Ex-GF ng nobya ni Jang Lucero, nakumpirmang isa sa mga suspek dahil sa tattoo nito

Ex-GF ng nobya ni Jang Lucero, nakumpirmang isa sa mga suspek dahil sa tattoo nito

- Nahuli na ang isa sa sinasabing anim na suspek sa pagpaslang sa lady driver na si Jang Lucero

- Hulyo 3 nang maaresto ang suspek na kinilalang si Ann Shiela Montes Belarmino na sinasabing dating kasintahan ng nobya ni jang Lucero na si Meyah Amatorio

- Mismong ang kanilang mga kaibigan ang nagkumpirmang si Belarmino ang nakunan ng CCTV na di umano'y mga asahero ni Jang bago siya mapaslang

- Mas madali siyang nakilala dahil sa tattoo sa kanyang likuran na nakita sa CCTV, sakanyang Facebook account at nang maaresto na siya ng mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ex-GF ng nobya ni Jang Lucero, nakumpirmang isa sa mga suspek dahil sa tattoo nito

Photo: Anne Shiela Belarmino; suspek sa kasong pagpaslang kay Jang Lucero
Source: Facebook

Arestado na ang isa sa sinasabing anim na suspek sa malagim na pagpatay sa lady driver na si Jang Lucero.

Nalaman ng KAMI na mas madali siya umanong kinilala ng pulisya dahil sa tattoo niya sa likuran.

Base sa ulat ng GMA News, ex-girlfriend pala ang suspek na si Ann Shiela Montes Belarmino ng kasintahan ni Jang na si Meyah Amatorio.

Dahil dito, selos ang isa sa tinitingnang anggulo ng pagpaslang nina Belarmino sa walang laban na lady driver.

"Si Anne ay allegedly may konting selos dun sa biktima. Siya mismo yung sumakay sa saksakyan ng biktima and napaka-importante na na-identify siya dahil siya mismo yung kasama nung mga sumaksak sa biktima," ayon sa pulisya.

Kinumpirma rin ito ng mga kaibigan mismo ng suspek at biktima na pinakitaan ng CCTV footage, Facebook account at aktwal na tattoo ni Belarmino.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sinabi nilang malinaw na ang babaeng suspek ay ang nadakip ng pulisya.

Patuloy na ang manhunt operation ng awtoridad sa lima pang kasama ni Belarmino sa paggawa ng krimen.

Kabilang na rito ang sakay ng asul na kotse na nagsilbing getaway vehicle ng mga suspek.

Si Jang Lucero ay isang lady driver na natagpuang wala nang buhay sa sarili niyang sasakyan noong Hunyo 28 ng gabi.

Suma-sideline ito bilang private driver ng pinarerentahan niyang sasakyan.

Inabot ng limang araw ang pag-iimbestiga ng pulisya bago tuluyang nadakip ang isa sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay kay Lucero.

Kasalukayang nasa Calamba City Police Station si Belarmino kung saan haharapin niya ang kasong murder.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel