Mastermind sa pagpatay kay Jang Lucero, tinukoy ng mga saksi

Mastermind sa pagpatay kay Jang Lucero, tinukoy ng mga saksi

- Arestado ang isang 20-anyos na babae na sangkot umano sa karumal-dumal na pagpatay kay Jang Lucero

- Kinilala itong si Ann Sheila Montes Belarmino at napag-alamang dating kasintahan ng nobya ng biktima

- Tinukoy naman ito ng ilang mga saksi bilang mastermind ng malagim na krimen

- Lima pang suspek ang pinaghahanap ng mga awtoridad na sangkot din sa pagpaslang kay Lucero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang pagkaka-aresto sa 20-anyos na babae na suspek umano sa karumal-dumal na pagpatay kay Jang Lucero.

Si Lucero ang 34-anyos na dalagang pinagsasaksak ng 52 beses at natagpuang walang buhay sa loob mismo ng kanyang sariling sasakyan sa Bucal Bypass Road, Calamba City, Laguna.

Base sa report ng Inquirer, inaresto si Ann Sheila Montes Belarmino noong July 3, 2020 bandang 1:30 a.m.

Mastermind sa pagpatay kay Jang Lucero, tinukoy ng mga saksi

Photo from Facebook
Source: Facebook

Ayon kay Capt. Mary Ann Torres, hepe ng Calabarzon public information office, tinukoy ng mga saksi si Belarmino bilang "mastermind" sa pagpaslang kay Lucero.

"Siya ay naging suspect based dun sa mga CCTV footage, ganun din sa statement ng witnesses. Siya rin ang tinutukoy na mastermind sa case. In-e-establish pa rin yung motive," ayon sa opisyal.

Napag-alaman naman na dating kasintahan pala ito ng nobya ni Lucero na si Meyah Amatorio.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isang report ng GMA News, sinabi ng mga awtoridad na natukoy ang suspek dahil sa kuha ng CCTV, tattoo nito at mga pahayag ng mga saksi.

Lima pang suspek ang pinaghahanap ng mga awtoridad na sangkot din sa pagpaslang kay Lucero.

Sinampahan naman ng kasong pagpatay si Belarmino sa Calamba prosecutor’s office noong Lunes.

"We will make sure that the other suspects in the killing of Jang Lucero will fall into the hands of the authorities. We will maximize our efforts so that the remaining suspects will be put behind bars and that justice will be served," ayon naman kay Brig. Gen. Vicente Danao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ay suma-sideline bilang private driver matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ilang kuha ng CCTV ang nakalap ng mga pulis na siyang tumukoy sa mga pangyayari bago natagpuan ang katawan ng biktima.

Nauna nang sinabi ng Calamba police na kilala ng biktima at ng kasintahan nito ang mga suspek.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel