88 anyos lolo na mag-isa lang sa buhay, nabigyan ng bahay ng motorcycle riders

88 anyos lolo na mag-isa lang sa buhay, nabigyan ng bahay ng motorcycle riders

- Naging viral sa social media ang isang lolo na mag-isa na lang sa buhay ngayon at sa pinagtagpi-tagping yero lang nakatira

- Nakilala siya ng isang grupo ng mga riders matapos nilang magsagawa ng relief operation sa Ilocos Norte

- Naawa ang mga rider dahil mag-isa lang si lolo sa bahay, wala siyang asawa at anak na kasama

- Kaya naman, naisip nilang gawan ng kongkretong bahay si lolo na may kusina at mabigyan ng malambot na kama

- Labis naman ang pasasalamat ni lolo sa mga taong tumulong sa kanya ngayong may krisis sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang 88 anyos na lolo na mag-isa lang sa buhay at sa pinagtagpi-tagping yero lang naninirahan.

Nalaman ng KAMI na tinulungan ng isang grupo ng mga motorcycle riders si Lolo Feliciano Domingo para magkaroon siya ng bagong bahay.

88 anyos lolo na mag-isa lang sa buhay, nabigyan ng bahay ng motorcycle riders

Photo from ABS-CBN News
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, nalkilala ng group ng ADJO Moto Club si Lolo Feliciano noong nagsagawa sila ng relief operation sa Brgy. Maab-abaca, Ilocos Norte.

Nalaman nilang mag-isa lang sa buhay si Lolo Feliciano dahil wala itong asawa at anak. Bukod pa rito, hindi rin ligtas ang kanyang tirahan.

Kaya naman, naisip ng ADJO Moto Club na maglikom ng pera upang matulungan si Lolo Feliciano na magawan ng kongkretong bahay. Sila rin mismo ang nagtulong-tulong na buohin itayo ang bahay at pina-blessing pa nila ito.

Linggo-linggo rin binibisita ng mga miyembro ng grupo si Lolo Feliciano upang masiguro ang kanyang kalagayan.

Labis naman ang pasasalamat ni lolo sa mga tumulong sa kanya para magkaroon siya ng bago at ligtas na bahay. Ngayon, may malambot na siyang kama na mahihigaan at may kusina na rin siya.

Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa kabaitan ng group ng ADJO Moto Club. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Akalain mo yan Mas my puso pa mga ordinaryong tao kesa dyan sa mga nakaupo sa gobyerno. Di ko nilalahat. God bless sa mga tumulong. “
“ Akalain mo yun. Sa kabila ng diskriminasyon at panggigipit sa mga nka motorsiklo eh sila pa ang may kusang tumulong.”
“Sa lahat ng tumulong kay tatang napakabuti ng Mga puso nyo! Marami pa sanang blessings dating sa inyo!!!”
“Faith in humanity restored. Sana tularan sila ng iba pang motorcycle rider groups sa buong Pilipinas.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang nabalita ng KAMI na isang grupo ng riders din ang nabalitang tumulong na mabigyan ng bagong bahay ang mag-asawa na may edad na at nakaratay na lang ang mister.

Sa ibang ulat naman, ibinahagi rin ng isang OFW ang kanyang kwento na matapos niyang mapagawan ng bahay ang magulang niya ay sariling bahay naman niya ang pinapatayo niya ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel