Babaeng suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero, arestado na

Babaeng suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero, arestado na

- Nasa kamay na ng awtoridad ang isa sa mga suspek sa malagim na pagpaslang sa lady driver na si Jang Lucero

- Nakilala ang babaeng suspek dahil sa lumitaw na saksi na siyang kumilala sa mga huling pasahero ng biktima na nakunan ng CCTV

- Hulyo 3 pa nang maaresto ang babaeng suspek na kasalukuyang naka-detain sa Calamba City Police Station

- Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso lalo na at limang suspek pa ang pinaghahanap ng awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Babaeng suspek sa pagpaslang kay jang Lucero, arestado na

In Photo: Jang Lucero
Source: Facebook

Nasakote na ng mga pulisya ang isa sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa lady driver na si Jang Lucero.

Nalaman ng KAMI na sa tulong ng CCTV, nakilala ng saksi ang suspek na si Ann Sheila Montes Belarmino.

Base sa ulat ng GMA News, nahuli ng awtoridad si Belarmino noong Hulyo 3 matapos na makumpirmang isa siya sa mga huling pasahero ni Lucero na nakunan ng CCTV bago ito matagpuang wala nang buhay.

Kasalukuyan na itong naka-detain sa Calamba City Police Station at nahaharap sa kasong murder.

Patuloy pa rin ang follow-up operations ng pulisya lalo na't limang suspek pa ang pinaghahanap nila kaugnay sa kaso ni Lucero.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

(Larawan mula kay Rea calonge)

Si Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng sarili niyang kotse noong Hunyo 28 ng gabi.

Matapos na mawalan ito ng hanapbuhay dala ng lockdown, suma-sideline ito bilang private driver kung saan pinarerentahan niya ang kanyang sariling kotse.

52 na saksak ang natamo nito sa sinasabing huling mga naging pasahero niya nang gabing iyon na di umano'y nakunan pa ng CCTV bago sumakay sa kanyang kotse.

Ayon sa Calamba City Police, malaking bagay ang mga kuha sa CCTV at malaking ebidensya ito sa paglutas ng kaso at pagbibigay hustisya sa pagkamatay ni Lucero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel