Assunta de Rossi, emosyonal na ipinagmalaki ang ultrasound image ng kanyang "miracle baby"

Assunta de Rossi, emosyonal na ipinagmalaki ang ultrasound image ng kanyang "miracle baby"

- Ibinahagi ng aktres na si Assunta de Rossi sa kanyang Instagram ang ultrasound ng kanyang "miracle baby"

- Limang buwang buntis si Assunta sa unang anak nila ng asawang si Jules Ledesma

- Tinawag pa niyang pasaway ang kanyang baby sa sinapupunan na hindi pa rin niya inaalam ang kasarian

- Laking pasalamat ng aktres na wala siyang naging problema sa pagdadalang-tao lalo na sag gitna ng pandemyang bumabalot sa mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Assunta de Rossi, emosyonal na ipinagmalaki ang ultrasound image ng kanyang "miracle baby"

Emosyonal na ibinahagi ng aktres na si Assunta de Rossi ang ultrasound image ng kanyang "miracle baby"

Sa kanyang Instagram post, makikita ang larawan ng lagay ng sanggol sa kanyang sinapupunan na limang buwan na.

Tinawag pa niyang "pasaway" ang kanyang unang baby na hindi pa rin nila inaalam ang kasarian.

“No way of knowing yet if I’m having a coccolino or a coccolina. Hmm... my little miracle from heaven is being pasaway. Alam na kung kanino nagmana!” ayon sa caption ng kanyang post.

Nalaman ng KAMI na halos hindi makapaniwala si Assunta sa lagay ng anak nila ng mister na si Jules Ledesma dahil sa huling kita niya rito ay kasing liit lamang daw ito ng 'jellybean'.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Malaki ang kanyang pasasalamat na sa kabila ng pandemyang nangyayari sa paligid, wala namang naging komplikasyon ang kanyang pagbubuntis.

Dalawang buwan na ang nakalilipas nang kumpirmahin ni Assunta ang kanyang pagdadalang-tao sa edad na 37.

Hindi raw talaga nila ito inaasahan lalo na nabanggit niyang siya ay may myoma at endometriosis. Ito ay mga kondisyon na maaring makahadlang sa pagdadalang tao ng isang babae.

16 na taon bago nasagot ang kanilang dasal na magkaroon ng anak mula pa nang ikasal sila ni Jules noong 2004.

Si Assunta de Rossi ay isang award-winning Filipina-Italian actress na kapatid ng mahusay ring aktres na si Alessandra de Rossi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel