53-anyos lolo na inaresto dahil sa 2 luncheon meat, nagmamakaawa

53-anyos lolo na inaresto dahil sa 2 luncheon meat, nagmamakaawa

- Wala nang nagawa ang 53-anyos na lalaking inaresto dahil sa pagnanakaw ng dalawang de lata kung 'di ang magmakaawa na siya ay patawarin

- Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang lalaki matapos mahuli ng security guard ng isang grocery store na tumangay ng dalawang luncheon meat na nagkakahalaga ng P381

- Ayon sa inarestong lalaki, nagawa lang niya ang krimen dahil sa hirap ng buhay dahil sa lockdown

- Sabi naman ng pulisya, tumaas ang bilang ng ganitong krimen dahil na rin naitatago ng face masks ang mga mukha ng salarin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmamakaawa habang nasa likod ng rehas ang 53-anyos na lalaki na inaresto matapos mahuling nagnanakaw ng dalawang de lata.

53-anyos lolo na inaresto dahil sa 2 luncheon meat, nagmamakaawa

Photo from Twitter
Source: Twitter

Nahaharap ito sa kasong pagnanakaw nang maaktuhan umano ng isang security guard sa isang grocery store sa Maynila na tumatangay ng dalawang piraso ng luncheon meat na nagkakahalaga ng P381 noong Biyernes ng gabi.

Sa panayam dito ng TV Patrol, sinabi nitong nagawa lamang niya ang krimen dahil na rin sa hirap ng buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang buwan na raw kasi itong hindi nakakapag-hanapbuhay dahil sa lockdown.

Nananawagan naman ito sa pamunuan ng grocery store at humingi ng tawad.

"Sana po'y mapatawad nila po ako, kasi po may pamilya rin po ako. Meron po akong apat na anak," halos maiyak na sabi nito.

"Nais ko pong makatikim po ng paminsan ng ganoong klase ng ulam po ang aking anak, ay napilitan po akong gawin po 'yon," dagdag pa nito.

Sabi naman ng pulisya, tumaas ang bilang ng mga pagnanakaw sa mga grocery dahil na rin naitatago ng face masks ang mga mukha ng mga salarin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel