Pamilyang nagpa-party kahit may CQ, COVID-19 positive na, kakasuhan pa

Pamilyang nagpa-party kahit may CQ, COVID-19 positive na, kakasuhan pa

- Kinasuhan na ng mga pulis ang isang pamilya sa Navotas matapos mapag-alaman na nagpa-party ang mga ito kahit na mayroong umiiral na community quarantine

- Sumailalim ang lugar kung saan nakatira ang mga ito sa isang strict lockdown matapos magpositibo ang 14 na residente rito

- Napag-alamang anim sa mga ito ay dumalo sa naturang birthday party ng pamilya na napag-alamang positibo rin sa virus

- Nagbabala naman si Mayor Toby Tiangco sa mga mamamayan kaugnay ng pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinasuhan ng mga pulis ang isang pamilya sa Navotas matapos mapag-alamang nagpa-party ang mga ito kahit mayroon pang community quarantine.

Batay sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Mayor Toby Tiangco sa pamamagitan ng isang statement na ilang residente nga ang dumalo sa isang birthday party noong May 14 sa H. Mornoy Street sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng mga awtoridad.

Pamilyang nagpa-party kahit may CQ, COVID-19 positive na, kakasuhan pa

Photo from Mayor Toby Tiangco Facebook page
Source: Facebook

Napag-alaman ng KAMI na sumailalim sa isang strict lockdown ang nasabing lugar noong 5:01 a.m. ng June 11, hanggang 11:59 p.m. ng June 24.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 14 na residente roon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Anim sa mga ito ay dumalo sa naturang birthday party ng pamilya na napag-alamang positibo rin sa virus.

"The family’s utter disregard of safety regulations endangered their lives and all those living at H. Monroy. Their reckless act thwarted our efforts to prevent further transmission of COVID-19 and keep our people safe," ayon kay Mayor Tiangco.

Nagbabala rin ang alkalde sa mga mamamayan kaugnay ng insidente.

"Even if we don’t catch you in the act, we will file criminal charges against you if investigation showed you flouted the quarantine order," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa India, isang 30-anyos na lalaki ang pumanaw matapos ang kanyang kasal kung saan 100 bisita nito ang nahawaan ng coronavirus disease.

Samantala, nakapagtala naman ng 2,099 kaso ng COVID-19 ang Department of Health kahapon, July 6, 2020. 1258 dito ang fresh cases habang 841 naman ang late cases.

243 naman ang naitalang recoveries habang anim ang nasawi.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel