Grupo ng riders, gagawa ng bahay para sa mag-asawang walang maayos na tirahan

Grupo ng riders, gagawa ng bahay para sa mag-asawang walang maayos na tirahan

- Agad na hinanap ng grupo ng motorcycle riders ang mag-asawang may edad na na walang maayos na tirahan matapos na makita nila ito sa isang Facebook post

- Nakita nila ang hirap ng kalagayan ng mag-asawa lalo na at nakaratay na lamang ang mister nito

- Dinalhan nila ang mga ito ng mga pagkain, maayos na higaan, at inayos muna pansamantala ang sinisilungan ng dalawa

- Pinaplano na ng grupo ang pagtatayo ng bahay para sa mag-asawa na gagawin nila sa susunod na linggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Grupo ng riders, gagawa ng bahay para sa mag-asawang walang maayos na tirahan

source: Jay Katigbak
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang ginawang pagtulong ng motorcycle riders sa mag-asawang may edad na sa San Antonio, Quezon.

Nalaman ng KAMI na matapos na makita ng grupo ang kalagayan ng dalawa sa isang Facebook post, agad nilang sinadya ang mga ito.

Doon nakita nilang nakaratay na lamang talaga ang matandang lalaki na si Teodorico Torres at ang masaklap pa rito ay sa matigas na pinagtabi-tabing kahoy lamang ito nakahiga.

Ang kanya namang misis na si Susana Arellano ang siyang nag-aasikaso sa kanya ngunit bakas na rin dito ang hirap sa pag-aalaga sa mister dala na rin mismo ng kanyang katandaan.

Sa ulat ng Philippine Star, nagbigay na ng paunang tulong ang grupo ng riders sa pamumuno ni Jay Katigbak.

Dinalhan nila ang mag-asawa ng mga grocery items, wheelchair at kutson upang maayos na makahiga ang mister at iba pang pangunahing pangangailangan ng dalawa.

Pansamantala rin nilang inayos ang sinisilungan ng dalawa dahil sa susunod na linggo, sisimulan na nilang gawin ang permanenteng matitirhan ng dalawang matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa biyayang naihatid ng grupo, kitang-kita na umaliwalas ang mukha ni Nanay Susana kumpara sa una nilang pagbisita.

”Pansamantala na tumutuloy sila sa bagong gawang maliit na tirahan. Next week ay sisimulan na ang pagtatayo ng kanilang magiging permanenteng tirahan malapit sa kalsada,” pahayag ni Jay sa isa niyang post.

2007 pa ng sumali si Jay sa kanilang grupo at simula noon, walang humpay na ang pagtulong nila sa kapwa nilang hikahos sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad na lamang ng isa ring grupo ng mga riders na ginawa din ng bahay ang isang matandang tagpi-tagpi na ang tirahan at namumuhay nang mag-isa.

Sila naman ay mga motorcycle riders ng Northern Samar na taos-pusong naghandog ng kanilang oras at kakayahan upang maipagpatayo lamang ng maayos na tirahan si Tatay Venerando na dalawang taon nang walang kasama sa buhay.

Ang maganda pa rito, hindi rin ito ang unang pagkakataong tumulong ang grupo dahil isa ring lola ang kanilang nabiyayaan ng maayos na tahanan.

Nakatutuwang isipin na umiiral pa rin ang pagtutulungan at pagmamalasakit ng mga Pilipino sa kanilang kapwa lalo na sa oras ng pangangailangan tulad ng dinaranas nating krisis ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel