OFW na napagawan ng bahay ang mga magulang, nagpapatayo naman ngayon ng sariling bahay

OFW na napagawan ng bahay ang mga magulang, nagpapatayo naman ngayon ng sariling bahay

- Binahagi ng isang OFW ang naipundar niya sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa

- Una na raw niyang napagawan ng bahay ang kanyang mga magulang at ngayon naman ay sinisimulan na ang kanyang sariling bahay

- Napagtapos na rin niya ng kolehiyo ang isa niyang kapatid sa kursong criminology

- Mayroon din siyang isang anak na itinataguyod at ito raw ang inspirasyon niya sa lahat ng kanyang pagsusumikap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW na napagawan ng bahay ang mga magulang, nagpapatayo naman ngayon ng sariling bahay

Pinagagawang bahay ni Ashley na nahinto lamang dahil sa COVID-19
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang OFW na may facebook name na Bai Ashley Abdul na marami nang naipundar sa pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa.

Nalaman ng KAMI na napagawan na niya ng bahay ang kanyang mga magulang at ngayon naman ay nagpapagawa na rin siya ng sarili niyang tahanan.

Ibinahagi rin niyang napagtapos na niya ang kanyang kapatid sa pag-aaral sa kursong criminology.

Single mom din si Ashley at may isang anak siyang itinataguyod. Ito rin ang nagsisilbing inspirasyon niya sa lahat ng paghihirap at sakripisyo sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na naibahagi niya sa KAMI:

"Flex ko lang po ang bahay ko na katas ng pinaghirapan ko dito sa Saudi. Hindi pa po yan tapos dahil inuna ko po pinagawaang house ng aking mga magulang. Pagkatapos ayan na, bahay ko naman.
Pinaaral ko ang aking kapatid ng criminology sa awa ng mahal na Allah nakapagtapos narin siya. Tapos may pinapaaral din ako, yung anak ko. Single mom po ako kaya sa mga single mom po diyan walang imposible kaya niyo yan mga kababayan.
4 months nang na-stop ang house ko dahil sa Covid-19. Ang ginawa ko is nag-invest ako para naman may kinikita ako at bumili narin ako ng baka na ngayon dalawa na ang anak. Yung isang anak binigay ko sa nag-alaga. Nagpapasalamat ako sa mahal na Allah sa mga blessing niya sa akin at bigyan pa ako ng lakas at mabuting kalusugan para sa aking anak."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel