Pinay sa UAE, nanalo sa lotto ng halagang ₱6.7 million sa ikalawang paglalaro lamang niya

Pinay sa UAE, nanalo sa lotto ng halagang ₱6.7 million sa ikalawang paglalaro lamang niya

- Hindi makapaniwala ang isang OFW sa UAE na nanalo sa Emirates Loto ng Dhs500,000 o katumbas na ₱6.7 million

- Inakala pa niyang scam ito ngunit nang tawagan na mismo siya ng mula sa Emirates Loto doon lamang siya nakumbinsi na nanalo nga siya

- Pangalawang beses pa lamang niyang naglaro nito at hindi niya inaakalang papalarin agad siyang manalo

- Ibabayad daw niya ito sa bahay na hiuhulugan sa Pilipinas, magtatayo na rin daw siya ng negosyo at magbabahagi sa tindahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinay sa UAE, nanalo sa lotto ng halagang ₱6.7 million sa ikalawang paglalaro lamang niya

Isang Pinay na naman sa United Arab Emirates ang pinalad na manalo sa Emirates Loto nitong nakaraang linggo.

Nalaman ng KAMI na Dhs500,000 ang napanalunan ng Pinay na si Mariser Alibudbud Jarumayan o may katumbas na ₱6.7 million.

Ayon sa The Filipino Times, halos hindi raw makapaniwala ang Pinay na siya ang ang nagwagi ng malaking halaga ng pera.

Kwento ng 43-anyos na OFW, naalala lamang niya ang draw ng Emirates Loto ngunit laking gulat niya nang bumungad sa kanya ang mensaheng “Congratulations, you are a winner on Emirates Loto!”

Duda pa si Mariser noon at inisip niyang baka scam lamang ito. Ngunit nang tinawagan na siya ng mismong mula sa Emirates Loto, doon pa lamang daw rumehistro sa kanyang isip na siya ang nanalo sa loto.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Second time ko pa lang naglaro at salamat sa Diyos, sinwerte ako at nanalo agad ng second prize! Na-shock po talaga ko tapos nakita ko nga nakuha ko five numbers out of six,” kwento ng Pinay.

Sa laki ng nakuhang halaga, babayaran na raw niya ng buo ang bahay na hinuhulugan sa Pilipinas. Magtatayo na rin siya ng negosyo at magbabahagi na rin sa simbahan bilang pasasalamat sa biyayang natanggap.

Dahil dito, hinihikayat ni Mariser na sumubok ding maglaro ang mga kapwa niya Pilipino lalo na at maliit lamang ang pinakawalan niyang halaga para manalo siya ng milyon-milyong halaga.

“Baka kayo naman po ang susunod na manalo. Huwag po kayo manghinayang maglaro, sa halagang Dh35 malaki ang chance niyo na mabago at guminhawa ang buhay niyo tulad ko,” she saod. “Kaya salamat talaga ng marami sa Emirates Loto, giginhawa na ang buhay namin ng pamilya ko,” pagtatapos ni Mariser.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad na lamang ni Remedios Bombon na nanalo na itinaya ang kahuli-hilihan niyang pera sa Emirates Loto.

Nawalan ng trabaho si Remedios buhat nang malagay sa lockdown Abu Dhabi kaya naman aminadong problemado kung paano bubuhayin ang pamilyang umaasa sa kanya sa Pilipinas.

Kaya naman laking pasalamat niya na napanalunan niya ang second prize ng loto na nagkakahalaga ng katumbas ₱4.5 million.

Gaya ni Mariser, magpapagawa rin ng bahay si Remedios at magnenegosyo kasama ang kanyang mga kapatid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel