Lolo na nag-viral nang maglakad ng malayo pero walang nakuhang ayuda, pumanaw na

Lolo na nag-viral nang maglakad ng malayo pero walang nakuhang ayuda, pumanaw na

- Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang 69-anyos na lolo na taxi driver na nilakad ang mula Caloocan hanggang East Avenue kahit may hika siya

- Ayon sa social media post, pumanaw na raw si Tatay Jimmy nitong nakaraang linggo lang

- Nabisita pa ng ABS-CBN reporter ang taxi driver bago ito pumanaw at masigla at malakas pa rin ito

- Gusto rin daw ipaabot ni Tatay Jimmy ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanila ng asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lolo na taxi driver ang naging viral sa social media dahil sa kaniyang sitwasyon noong kumuha siya ng cash aid mula sa gobyerno.

Nalaman ng KAMI na ang 69-anyos na lolo ay pumanaw na kamakailan lang.

Lolo na nag-viral nang maglakad ng malayo pero walang nakuhang ayuda, pumanaw na

Larawan mula sa Facebook post ni Jacque Manabat
Source: Facebook

Sa Facebook post ni Jacque Manabat, ibinahagi niya ang malungkot na balitang ito. Matatandaang ang ABS-CBN reporter din na ito ang naunang nagbahagi ng kwento ni tatay Jimmy Tindugan.

Sabi sa post, noong ika-2 ng Hulyo ay pumanaw na si Tatay Jimmy.

Bago bawian ng buhay si tatay Jimmy, nagkaroon pa ng pagkakataon si Jacque na bisitahin si tatay. Malakas at masigla pa raw si tatay noon. Sinabi pa raw ni tatay na sana ay muling makabalik sa ere ang ABS-CBN.

Nais din daw ni tatay na ipaabot ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanila ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si tatay Jimmy dahil nilakad niya ang kahabaan ng Caloocan hanggang East Avenue sa Quezon City para kunin sana ang ayuda mula sa gobyerno. Kahit na may hika siya, hindi naging hadlang ito para sa kanya.

Sa kanyang pag-uwi, naghihintay naman sa kanya ang asawa niyang na-stroke na noon at wala pang kinakain sa buong araw na iyon.

Samantala, nitong ika-5 ng Hulyo ay nasa 2,434 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH). Nasa 44, 254 naman ang nabalitang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel