19-anyos na stranded sa Zamboanga City, binawian na ng buhay bago pa makauwi sa Jolo

19-anyos na stranded sa Zamboanga City, binawian na ng buhay bago pa makauwi sa Jolo

- Pumanaw ang isang 19-anyos na locally stranded individual (LSI) sa Zamboanga bago pa man ito tuluyang makauwi sa Jolo, Sulu

- Hunyo 29 nang makarating ito sa Zamboanga City at nanatili sa isang pension house

- Makalipas ang limang araw na pananatili roon, binawian ito ng buhay noong Hulyo 4 ng gabi

- Nakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City sa pamilya ng binatang yumao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

19-anyos na stranded sa Zamboanga City, binawian na ng buhay bago pa makauwi sa Jolo

Hindi na makauuwi pa ng buhay ang 19-anyos na locally stranded individual (LSI) sa Zamboang City matapos na ito ay pumanaw noong Hulyo 4 ng gabi.

Nalaman ng KAMI na Hunyo 29 ito nang makarating sa Zamboang City at base sa safety protocol, kinakailangang malagak muna pansamantala sa pension house ng lungsod matapos ang profiling bago sila pahihintulutang makauwi sa Jolo sa tulong ng representative ng BARMM-DSWD.

Ngunit makalipas ang limang araw na pagkakalagak sa naturang pension house, binawian ng buhay ang lalake. Atake sa puso ang nakitang dahilan ng pagkamatay na siyang kinumpirma ng kanyang ama at sinabing may history nga ng sakit sa puso ang LSI.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa post din ng alkalde ng lungsod na si Mayor Beng Climaco, taos-pusong nagpaabot ito ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ng binata.

"The said LSI was monitored by the BARMM-DSWD.Nonetheless, the Zamboanga LGU through the City Health Office (CHO) assisted and facilitated his burial," pahayag ng alkalde.

Samantala, ipinagbigay alam din ng alkalde na isa sa mga kasama ng yumaong LSI ay lumabas na positibo sa COVID-19 base na sa inilabas na resulta noong Hulyo 5.

Ito ay isang 33-anyos na babae na patungo ring Jolo na dumating din sa Zamboanga City noong Hunyo 29.

Agad na nailagak na ito sa ADZU-Lantaka facility para ma-isolate at patuloy na ma-obserbahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel