9 pulis sangkot sa insidente sa Sulu, kinausap ni Pres. Duterte; 1 rito positibo pala sa COVID-19

9 pulis sangkot sa insidente sa Sulu, kinausap ni Pres. Duterte; 1 rito positibo pala sa COVID-19

- Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala sa Metro Manila ang siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu

- Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nagpositibo sa COVID-19 ang isang pulis matapos sumailalim sa rapid test

- Kaya naman, sasailalim din sa swab test ang pulis na ito upang makumpirma kung may coronavirus disease nga ang pulis

- Nabalita rin na nakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang siyam na pulis noong pumunta ito sa Zamboanga City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año na isa sa siyam na pulis na sangkot sa pamamaril sa apat na sundalo na nangyari sa Jolo, Sulu ay nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.

Nalaman ng KAMI na kinailangan ng siyam na pulis na sumailalim sa rapid test bago sila papuntahin ng Metro Manila na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

9 pulis sangkot sa insidente sa Sulu, kinausap ni Pres. Duterte; 1 rito positibo pala sa COVID-19

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi ni Sec. Año na kinausap pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis noong pumunta siya sa Zamboanga City nitong Biyernes.

“I was supposed to bring the nine respondents to Manila pero nagkaroon ng problema pero nag positive ‘yung isa,” sabi ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa.

“I am putting now the responsibility to the regional director of BARMM to bring the policemen anytime this week,” dagdag niya pa.

Sabi sa ulat ng Inquirer (ulat ni Catherine Gonzales), paliwanag ni Gamboa, kailangan pa sumailalim sa swab test ng pulis upang makumpirma kung ito nga ay positibo sa COVID-19.

Dagdag pa ng PNP chief, hindi imposible na nahawaan din ng pulis na ito ang kasamahan niyang pulis.

“The possibility of the eight being infected is still a possibility,” aniya.

“Kung negative naman siya sa COVID-19 sabay-sabay na silang dadalhin sa Manila,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagsimula ang insidente noong mapatay ng mga pulis sa Sulu ang 4 na miyembro ng militar na nasa kalagitnaan ng kanilang misyon na hanapin ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Samantala, inilabas naman sa publiko ang CCTV footage kung saan makikita ang mga naging aksyon ng pulis matapos humandusay ng mga opisyal ng militar sa kalsada.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel