4 na ticket seller at 1 driver ng MRT-3, kabilang sa nag-positibo sa COVID-19

4 na ticket seller at 1 driver ng MRT-3, kabilang sa nag-positibo sa COVID-19

- 172 sa mga empleyado ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19 o coronavirus disease 2019

- Anim sa mga ito ay mga station personnels na binubuo ng apat na ticket sellers, isang nurse, at isang train driver

- Ang mga nalalabing bilang sa mga nai-ulat na nagpositibo ay nakatalaga umano sa depot ayon sa Department of Transportation (DOTr)-MRT-3

- Kasalukuyang naka-quarantine ang mga empleyado sa quarantine facilities ng pamahalaan sa World Trade Center, Philippine Arena at Philsport Arena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang muling pagbalik operasyon ng MRT-3, umabot na sa 172 empleyado ng MRT-3 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Ito ay matapos isagawa ang RT-PCR test ng MRT-3 sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, mula sa kabuuang bilang ng naiulat ng positibong kaso ng COVID sa MRT-3 employees, anim sa mga ito ay nakatalaga bilang mga station personnels.

Samantalang ang nalalabing 166 ay nakatalaga sa depot ayon sa Department of Transportation (DOTr)-MRT-3.

4 na ticket seller at 1 driver ng MRT, kabilang sa nag-positibo sa COVID-19

4 na ticket seller at 1 driver ng MRT, kabilang sa nag-positibo sa COVID-19
Source: Facebook

Ang mga station personnels na nagpositibo ay binubuo ng apat na ticket sellers, isang nurse, at isang train driver.

Anila, nakatalaga sa Cubao at North Avenue stations ang mga nagpositibong ticket seller habang isa sa mga ito ang reserve seller.

Ayon kay Goddess Libiran, ang Transportation spokesperson, walang exposure umano ang mga ticket sellers sa sinumang nagpositibong depot personnel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag ng DOTr-MRT-3, kasalukuyan nang naka-admit sa quarantine facilities ng pamahalaan sa World Trade Center, Philippine Arena at Philsport Arena ang mga nagpositibo nilang empleyado.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa pinakahuling ulat ng DOH, Umabot sa mahigit 2,400 ang naitalang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo. Sa kabuuan, umabot na sa 44,254 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon naman sa isang Artificial Intellegence Technology sa Singapore, tuluyan nang mawawala ang COVID-19 sa Disyembre.

POPULAR: Read more news about Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel