Pagpanaw ni Camarines Sur Rep. Marissa Andaya, kinumpirma ng asawa

Pagpanaw ni Camarines Sur Rep. Marissa Andaya, kinumpirma ng asawa

- Pumanaw na si Camarines Sur 1st District Rep. Marissa Andaya nitong Linggo, July 5, 2020

- Kinumpirma ng kanyang asawang dating kongresistang na si Rolando Andaya Jr. ang balita

- Ayon sa kanya, 7 taon nang nakikipaglaban sa sakit na cancer ang kanyang asawa

- Napag-alaman niyang bumalik ang kanyang sakit noong unang linggo ng Hunyo ng kasalukuyang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat sa lumabas na balitang pumanaw na si Camarines Sur 1st District Rep. Marissa Andaya nito lamang Linggo, July 5, 2020.

Kinumpirma ng mismong asawa ng kongresista na si Rolando Andaya Jr. ang balita at ibinahaging cancer ang ikinamatay nito.

Ayon sa statement ng asawa ng kongresista na ibinahagi sa Facebook, 7 taon na nakipaglaban si Congresswoman Andaya sa sakit na cancer at kaniyang napag-alaman na bumalik ang kanyang sakit noong unang linggo ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Pagpanaw ni Camarines Sur Rep. Marissa Andaya, kinumpirma ng asawa

Pagpanaw ni Camarines Sur Rep. Marissa Andaya, kinumpirma ng asawa
Source: Facebook

Ito ay nangyari sa gitna ng pagiging abala ng kongresista sa pagtulong sa kanyang mga nasasakupan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Hindi umano nito iniwan ang kanyang nasasakupan sa kabila ng kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umapela naman ang Pamilya Andaya na hayaan na muna silang magluksa at magbabahagi na lamang umano sila ng karagdagang detalye.

Ayon kay Anakalusugan Party-List Rep. Mike Defensor, pumanaw si Andaya sa St. Luke’s Hospital, Bonifacio Global City sa edad na 51.

Sa isang panayam sa Manila Bulletin, binahagi ni Defensor na nalaman niya ang balita mula sa mismong asawa ng kongresista.

“Sobrang close yung dalawang yun. Si Noy, dependent kay Marissa, she was his source of strength. They were inseparable," ani Defensor.

Inilihim umano ng kongresista ang kanyang sakit maging sa kanyang asawa.

“Wala siyang kinwentuhan na may sakit siya. Walang nakakaalam kahit sino, pati si Noy," dagdag pa ni Defensor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marissa Andaya ay nanungkulan bilang congresswoman ng first legislative district ng Camarines Sur Province. Tumakbo siya sa ilalim ng Nationalist People's Coalition (NPC) Party noong May 13, 2019 election kung saan tinalo niya si Roberto Mejia ng Nacionalista Party (NP).

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel