Chin Alcantara ng bandang MYMP, isiniwalat ang dahilan kung bakit sila nawala sa ABS-CBN
- Matapos isiwalat ng singer na si Daryl Ong ang pagkatanggal sa kanila ni Bugoy Drilon sa ABS-CBN, nagsalita din si Chin Alcantara
- Si Chin ay gitarista ng bandang MYMP na sumikat noon taong 2005 hanggang 2008
- Sa kasamaang palad, nabuwag ang banda at naging solo artist na ang dating singer ng banda na si Juris Fernandez
- Ibinahagi ni Chin ang dahilan kung bakit nawala sila sa ABS-CBN matapos mabuwag ang banda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos ang matinding rebelasyon ni Daryl Ong tungkol sa pagkakatanggal nila ni Bugoy Drilon sa ABS-CBN, nagsalita na rin si Chin Alcantara ng bandang MYMP kung bakit sila nawala sa nasabing TV network.
Matatandaang isa sa pinakasikat na banda ang MYMP noon na kinabibilangan ng vocalist nila na si Juris Fernandez at gitaristang si Chin. Matapos i-launch bilang solo artist si Juris, natengga ang banda kahit pa may bago silang bokalista dahil naka-kontrata umano sila sa Star Music.
Dahil dito, hindi sila makapaglabas ng album kaya nag gig na lamang ang banda.
Hindi naman na umano masama ang loob ni Chin dahil matagal nang nangyari iyon kaya lang ay may mga pangyayari nitong mga nakaraang araw na napaisip sa kanya. Hindi niya inakala umanong may isyu pa rin ang ABS-CBN sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Pagbabahagi niya, bigla na lamang na-cancel ang MOR guesting nila para sana sa promotion ng kanilang kanta.
Ang M.O.R. ay ang FM station na pagmamay-ari din ng ABS-CBN. Isa pang pinagtataka niya umano ay kung bakit binura ang video ng guesting nila sa Iwant ASAP matapos lamang ang ilang linggo.
Hindi naman umano binubura ang mga video ng guesting ng ibang artists. Ani Chin, inisip na lamang nilang kaya tinanggal ay hindi ito masyadong pumatok sa mga viewers.
Si Chin Alcantara ay gitarista ng bandang MYMP o Make Your Mama Proud. Namayagpag ang karera ng nasabing banda noong taong 2005 hanggang 2008.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ibinahagi ni Chin ang kwentong ito matapos isiwalat ni Daryl Ong ang pagkakatanggal nila ni Bugoy Drilon sa ABS-CBN dahil sa kanilang pag-uusapan tungkol sa problema ng TV station hinggil sa pagkapaso ng prangkisa nito.
Kamakailan, naging palaisipan sa mga netizens ang ibinahaging post ni Daryl na tila nagpapahiwatig ng kanyang paglipat sa GMA-7.
POPULAR: Read more about Entertainment news here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh