Jasmine Curtis-Smith, umalma sa "misleading" headline ng isang online magazine

Jasmine Curtis-Smith, umalma sa "misleading" headline ng isang online magazine

- Inalmahan ni Jasmine Curtis-Smith ang umano'y "misleading" na headline ng isang online magazine

- Nilinaw niyang patuloy ang kanyang pagsuporta para sa ABS-CBN na kasalukuyang nanganganib na tuluyan nang mawala sa ere

- Nauna nang naghayag ng kanyang pagsuporta sa Kapamilya network ang aktres

- Si Jasmine ay isang Kapuso actress na kapatid ng Kapamilya star na si Anne Curtis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Jasmine Curtis-Smith ang misleading umanong headline ng isang online magazine kaugnay sa kanyang pagsuporta sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang mensahe mula sa samahan ng mga aktor na nabuo kamakailan lang.

Matapos niyang ibahagi ito sa kanyang social media account ang statement ng grupong "Aktor," may mga ilan na umalma dahil hindi naman umano siya artista ng ABS-CBN.

Mayroon pang nagbabala sa kanya na mag-ingat sa mga sinasalihang grupo at tigilan na ang pagsuporta sa Kapamilya network.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot naman ni Jasmine, ang samahang "Aktor" ay para sa kanilang trabaho at hindi dapat bahiran ng kung anu pa man.

"Ito ay grupo para sa mga aktor, wag niyo po bahiran ng kung ano man pang pag iisip. Ito ay para sa amin at ang aming trabaho sa industriya. Salamat po!" ani Jasmine.

Kaugnay nito, isang online news magazine ang naglathala ng article tungkol dito ngunit hindi ikinatuwa ni Jasmine dahil sa umano'y misleading na headline nito. Giit niya suportado niya pa rin ang ABS-CBN.

Jasmine Curtis-Smith, umalma sa misleading headline ng isang online magazine

Jasmine Curtis-Smith, umalma sa misleading headline ng isang online magazine
Source: Instagram

Matapos ang pagpunang ito ng aktres, naayos naman ang nasabing headline.

Jasmine Curtis-Smith, umalma sa misleading headline ng isang online magazine

Jasmine Curtis-Smith, umalma sa misleading headline ng isang online magazine
Source: Instagram

Si Jasmine Curtis Smith ay isang Kapuso actress. Siya ang nakababatang kapatid ng Kapamilya star na si Anne Curtis-Heussaff na kasalukuyang naninirahan sa Australia kasama ang kanyang asawang si Erwan Heussaf at anak na si Dahlia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Anne ang litrato ng kanyang anak sa ika-apat na buwan nito.

POPULAR: Read more news about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel