53-anyos na pedicab driver, arestado dahil sa 2 de-latang kanyang ninakaw umano

53-anyos na pedicab driver, arestado dahil sa 2 de-latang kanyang ninakaw umano

- Isang 53- anyos na pedicab driver ang arestado sa lungsod ng Maynila noong July 3, Biyernes

- Inaresto siya dahil sa umano'y pagnanakaw nito ng dalawang de-latang Spam Luncheon meat na nagkakahalagang P381.00

- Ayon sa ulat ng Ermita Police Station, miyembro umano ng Sigue-Sigue Sputnik Gang ang nasabing pedicab driver

- Umani naman ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang balitang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 53-anyos na pedicab driver ang inaresto nitong Biyernes, July 3, 2020 matapos umano nitong magnakaw ng dalawang lata ng Spam luncheon meat na nagkakahalagang P381.00.

Ayon sa ulat ng GMA News, miyembro umano ng Sigue-Sigue Sputnik Gang ang suspek na si Rommel Figueroa ayon na rin sa ulat ng Ermita Police Station.

Inereklamo ng safety and security supervisor na si Randy Elenias ng Super 8 Retail Systems Inc. si Figueroa.

"Suspect was brought to Paco PCP then subjected the same for medical check-up and later turned over to this station for investigation," saad ng police report.

"Crime of Theft thru Shoplifting was charged against the suspect and same will be presented to the Manila City Prosecutor's Office for evaluation and proper recommendation."

53-anyos na pedicab driver, arestado dahil sa 2 de-latang kanyang ninakaw umano

53-anyos na pedicab driver, arestado dahil sa 2 de-latang kanyang ninakaw umano
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging samu't-sari ang reaksiyon ng netizens dito pero karamihan sa mga ito ay nahabag sa kalagayan ng suspek.

"Seriously.. Justice system of .. Kmusta Yung mga billiones na ninakaw nang mga buwaya..so sad pero ito ang realidad Para sa mga mahihirap."

"Dito lang sa pilipinas, pag nag nakaw ka ng makakain ng pamilya mo sa grocery makukulong ka, pag nag nakaw ka ng milyon milyon sa Gobyerno, may boto kpa sa tao."

"Mababaw Lang Naman ang nagawa niyang kasalanan para ikulong Sana po sa halip na hulihin siya ay tulungan nalang po NG gobyerno na mabigyan NG ayuda... deserve Naman po lahat NG second chance baka may malalim Naman po syang dahilan Kung bakit nya yon nagawa."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel