Jinri Park, sumasailim sa training para maging waitress sa isang restaurant sa Australia

Jinri Park, sumasailim sa training para maging waitress sa isang restaurant sa Australia

- Kasalukuyang naninirahan sa Australia ang dating aktres na si Jinri Park

- Ito ay matapos ikasal sa kanyang Filipino-Australian na asawang si John noong March 21, 2020

- Ayon sa dating aktres, kasalukuyan siyang sumasailalim sa training upang maging isang waitress

- Balak niya umanong makapag-aral muli kaya siya mag-iipon para sa kanyang tuition fee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang Instagram post ay nagbahagi ang dating aktres na si Jinri Park ng update sa kanyang buhay sa Australia. Kasalukuyan siyang naninirahan doon matapos siyang ikasal sa kanyang Filipino-Australian na asawang si John noong Marso 21, 2020.

Ibinahagi niya ang pagkakaiba ng kanyang buhay sa Pilipinas at sa kasalukuyan niyang buhay doon.

Masasabi niyang komportable ang naging buhay niya noong siya nasa kanyang 20s.

Aniya, noong una ay hindi niya alam kung paano magsisimula ngunit kinalaunan ay napagpasyahan niyang magtrabaho.

Sa kasalukuyan ay isa siyang trainee para maging isang waitress sa isang restaurant doon.

“Now that I’m in my 30s, life has changed 180! I got married, moved to Australia, and now...got a job! For this past week I worked as a trainee for a restaurant being a waitress (I did graduate with a degree in HRM and worked also at Your Local for about a year as a Maître d)," aniya.

Jinri Park, kasalukuyang trainee para maging waitress sa isang restaurant sa Australia

Jinri Park, kasalukuyang trainee para maging waitress sa isang restaurant sa Australia
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya rin ang kanyang balak na makapag-aral muli. Dahil medyo may kamahalan umano ang tuition fees ng mga international students, magtatrabaho siya para mapag-ipunan ang kanyang pag-aaral.

Hindi din nakalimutang pasalamatan ni Jinri ang kanyang mga followers na patuloy pa rin ang pagiging supportive sa kanya kahit na ikinasal na siya at namuhay sa ibang bansa.

Si Jinri Park ay isang South Korean model, DJ, actress at magazine columnist. Naging radio jockey din siya sa Monster Radio RX 93.1 mula taong 2011 hanggang 2015. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa mga housemates ng Pinoy Big Brother na naging daan sa kanyang pagiging hosting at acting career.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasal si Jinri sa kanyang asawa nitong March sa kabila ng umiiral na lockdown dahil sa pandemya.

Matapos lumabas ang mga isyu tungkol sa pagpapakasal ng dating aktres, sinagot nito ang akusasyon na pera lang ang dahilan nito sa pagpapakasal sa kanyang Filipino-Australian na asawa.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel