Jace Lizardo, kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanyang mga astig na taekwondo pose

Jace Lizardo, kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanyang mga astig na taekwondo pose

- Ibinahagi ng asawa ni Japoy Lizardo ang mga cute na pictures ng anak nilang si Jace Lizardo sa Twitter

- Kagaya ng kanyang mga magulang na mga Taekwondo champions, tila nakahiligan din nito ang martial arts

- Giliw na giliw ang mga netizens sa kanyang pictures na nakasuot ng uniform at gumagawa ng iba't-ibang poses

- Sina Janice Lagman at Japoy Lizardo ay parehas na naging pambato ng bansa sa iba't-ibang international Taekwondo competitions

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Janice Lagman-Lizardo ang mga cute na pictures ng anak nila ni Japoy Lizardo sa Twitter. Marami ang giliw na giliw sa mga pictures ni Jace Lizardo na nakasuot ng Taekwondo uniform at ginagawa ang iba't-ibang poses.

Jace Lizardo, kinaaliwan ng netizens dahil sa kanyang mga astig na taekwondo pose

Jace Lizardo, kinaaliwan ng netizens dahil sa kanyang mga astig na taekwondo pose
Source: Twitter

Sa kanyang murang edad, marami ang napahanga ngunit hindi na din iyon kataka-taka lalo at parehas na Taekwondo champions ang kaniyang mga magulang.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

"wala nang mas cu-cute pa"

"Future Milo endorser at cover ng milo sachet."

"Napaka cute naman! Smiling face with 3 hearts break a leg, kid!"

Nagsimulang mag-aral ng taekwondo si Japoy noong siya ay 11 taong gulang. Nagsimula siyang sumali sa mga international competitions noong 13 taong gulang siya matapos niyang sumali sa Philippine junior national team.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakabilang siya sa senior national team sa edad na 18. Gayunpaman, dahil sa kanyang leg injury noong 2015, napilitan siyang tumigil sa pagsali sa mga kompetisyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Taong 2016 nang maging head coach ng Philippine national taekwondo team si Lizardo.

Ikinasal siya sa kanyang co-taekwondo artist na si Janice Lagman noong May 8, 2016. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki. Nitong February ng kasalukuyang taon ay isinilang ni Janice ang kanilang pangalawang anak.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel