Reported cases ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, umabot sa mahigit 2,400

Reported cases ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, umabot sa mahigit 2,400

- Umabot sa mahigit 2,400 ang natialang bilang ng kupirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob laman gng isang araw

- Binubuo ito ng 1,147 na fresh cases at 1,287 late cases na may kabuuang 2,434

- Kaunti lamang ang diperensya ng dami ng kasong mula sa NCR at mula Region 7

- Dahil dito, mahigpit na pinapaalala pa rin ng Department of Health ang mga safety protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng mask kung nasa publikong lugar lalo na at karamihan sa mga lugar sa bansa at naka-general community quarantine na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Reported cases ng COVID-19 sa bansa, umabot sa mahigit 2,400 ngayong araw

Naitala ngayong araw, Hulyo 5 ang pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob lamang isang araw.

Nalaman ng KAMI na umabot ito sa 2,434 na binubuo ng 1,147 na fresh cases at 1,287 na late cases.

Base sa huling datos ng Department of Health, malaking bahagdan pa rin ng bilang na ito ay mula sa parin sa National Capital region at Region 7 na dati pang nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng mga mayroong COVID-19.

489 naman ang naitalang naka-recover na bumuo sa kasalukuyang bilang na 11,942.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nagbigay pag-asa rin ang bilang ng mga pumanaw na pito lamang at nangangahulugang nakakayanang labanan ng mga pasyente ang tindi ng virus at karamihan naman ay nakaka-recover.

Gayunpaman, mahigpit na pinaaalala ng kagawaran ng Kalusugan ang pagsunod sa safety protocols bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng mask, social distancing, disinfection o madalas na paghuhugas ng kamay lalo na at ang karamihang lugar sa bansa ay nasa general community quarantine na kung saan marami na ang maaring lumabas sa publikong lugar.

Nananawagan din ang mga DOH na iwasan pa rin ang madalas na paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Enero 31 nang maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Marso 16 nang magdesisyon ang pamahalaan na ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Kasalukuyan nang naka-GCQ ang karamihang bahagi ng bansa kaya karamihan na rin ay nakabalik sa kani-kanilang hanapbuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel