Lolit Solis, isiniwalat ang posibilidad na mapurnada ang show ni Kris Aquino

Lolit Solis, isiniwalat ang posibilidad na mapurnada ang show ni Kris Aquino

- Ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang pagkadismaya sa balitang maaring hindi matuloy ang bagong show ni Kris Aquino

- Ito ay matapos ibalita ng showbiz reporter na si Cristy Fermin ang tungkol dito na mula umano sa isang reliable source

- Matatandaang lumabas ang balitang muling magbabalik telebisyon ang tinaguriang "Queen of all Media"

- Marami ang nagpahayag ng kanilang excitement na muling mapanood si Kris sa telebisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinadismaya ni Lolit Solis ang lumabas na balitang hindi na matutuloy ang bagong show ni Kris Aquino sa TV 5. Ito ay ayon sa balitang ibinahagi ng showbiz reporter na si Cristy Fermin. Ang impormasyon ay mula umano sa isang reliable source.

Matatandaang marami sa mga tagasuporta ng Queen of all Media ang natuwa sa balitang magbabalik-telebisyon si Kris Aquino.

Sa kanyang social media accounts, nagpahiwatig din si Kris na muli siyang magkakaroon ng bagong proyekto.

"Sinulat ni Cristy na according sa isa niyang reliable source baka hindi matuloy ang show ni Kris Aquino sa Chanel 5. Siguro naman tutoo ang source ni Cristy kaya nalungkot ako kasi ang tagal ng hinintay ng lahat ang sana ay bagong show ni Kris. Ang ganda ganda pa naman ng make over niya ngayon at bagay sa kanya ang bagong hairdo niya at medyo nadagdagan ang timbang niya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hirit ni Manay Lolit, sana ay magawan ng paraan upang matuloy ang pinakainaabangang pagbabalik telebisyon ng TV host.

Sana naman may paraan pa para maayos kung anuman ang dapat ayusin para matuloy ang show ni Kris. Matagal ng hinihintay ang pinaghandaan show na magbabalik kay Kris Aquino sa limelight. Sayang naman , sana huwag mabigo ang mga naghihintay.At sana makita uli ang brilyo ni Kris sa tv. Wait tayo sa further development. Wish you luck Kris. #classiclolita #73naako #takeitperminutemeganun"

Lolit Solis, isiniwalat ang posibilidad na mapurnada ang show ni Kris Aquino

Lolit Solis, isiniwalat ang posibilidad na mapurnada ang show ni Kris Aquino
Source: Instagram

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matapos ang kanyang pagkawala sa telebisyon, naging aktibo si Kris sa social media kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram at mayroon din siyang YouTube channel. Nang lumabas ang tungkol sa balitang muli siyang mapapanood sa telebisyon, naghayag ng prangkang opinyon si Lolit Solis.

Nauna na ring ibinahagi ni Kris ang pagmagandang loob ng TV host na si Willie Revillame matapos nitong ialok ang isang studio niya sa Wil Tower.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel