Video ng balut vendor na naluha sa di inaasahang tulong, may mahigit 7.1 million views na

Video ng balut vendor na naluha sa di inaasahang tulong, may mahigit 7.1 million views na

- Viral ang video ng isang balut vendor na hindi napigilang maiyak matapos na makatanggap ng tulong

- Papakyawin lang sana ng napadaang si Ms. Nancy Dimaranan ang panindang balut ng ginang ngunit dinagdagan niya ang tulong nang malaman ang kwento ng buhay nito

- Mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang apat na anak at siya rin ang nag-aasikaso sa asawa niyang di makalakad

- Labis-labis ang pasasalamat ng tindera sa tumulong sa kanya dahil hindi niya talaga ito inaasahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video ng balut vendor na naluha sa di inaasahang tulong, may mahigit 7.1 million views na

Nagpaluha sa mga netizens ang nakakaantig ng pusong video ng isang balut vendor na natulungan ng isang nagmalasakit na customer.

Nalaman ng KAMI na mag-isa lamang ang tinderang nakilalang si Marivic Sagadrama na nagtataguyod sa kanyang pamilya.

Binahagi ng Calamba City updates ang video ng pagtulong na ginawa ni Ms. Nancy Dimaranan kay Marivic nang madaanan niya ito habang naglalako ng balut, penoy at chicharon.

Papakyawin lamang sana ni Ms. Nancy ang paninda ni Marivic ngunit naantig ang kanyang puso nang malaman ang tindi ng pinagdaraanan nito.

Naikwento ng tindera na hindi makalakad ang kanyang mister kaya hindi ito makapaghanapbuhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Apat pa ang kanyang mga anak na mag-isa rin niyang itinataguyod. Hapon pa lamang ay naglalako na siya at inaabot na siya ng gabi para maubos o makarami manlang siya ng maitinda.

Nagkataong paulan na rin noon habang kausap ni Ms. Nancy si Marivic at naikwento rin niyang sira ang kanilang bubong kaya mababasa na naman ang kanyang mga anak.

Dahil dito, dinagdagan pa ni Ms. Nancy ang dapat na pambayad lamang niya sa lahat ng paninda ni Marivic.

Naiyak sa sobrang tuwa ang tindera na halos di makapaniwala sa biyayang natanggap.

Labis-labis din ang kanyang pasasalamat kay Ms. Nancy na di nagdalawang isip na tulungan siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel