Alyas "Althea", sinasabing nagplano sa pagpaslang kay Jang Lucero ayon sa pulisya

Alyas "Althea", sinasabing nagplano sa pagpaslang kay Jang Lucero ayon sa pulisya

- Alyas "Althea" ang sinasabing nagplano di umano ng walang awang pagpaslang kay jang Lucero

- Sa tulong CCTV na kuha sa Calamba, Laguna, unti-unti nang umuusad ang kaso kung saan nakakuha na sila ng mga "persons of interest"

- Sila ang sinasabing mga huling pasahero ni Lucero bago maganap sa kanya ang malagim na trahedya

- Pinaniniwalaang kilala umano ng biktima ang mga pumaslang sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Alyas "Althea", sinasabing nagplano sa pagpaslang kay Jang Lucero ayon sa pulisya

Naglabas ang Calamba Police Station ng ilang detalye sa pag-usad ng kaso kaugnay ng walang awang pagpaslang kay Jang Lucero.

Nalaman ng KAMI na si Jang Lucero ay 34-anyos na rumaraket bilang driver ng kanya mismong sasakyan na kanyang pinaparentahan.

Siya ay natagpuang wala nang buhay sa loob mismo ng kanyang kotse noong Linggo, Hunyo 28.

Ayon sa pulisya isang alyas "Althea" ang sinasabing nagplano ng malagim na pagpaslang kay Jang base sa nakalap nilang mga impormasyon.

Malaking bagay din daw na nakunan ng CCTV footages ang mga kaganapan sa pagsundo ni Jang sa huling mga pasahero niya na patungo sa Gil Puyat sa Makati.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakita ang isang babae at dalawang lalaki ang pawang mga pasahero ni Jang bago siya matagpuang tadtad ng saksak.

Base sa ulat ni John Consulta ng GMA News, nasapul ng CCTV sa Calamba ang mga mukha ng pasahero na ngayon ay pawang mga 'persons of interest' sa kaso na ito ni Lucero.

"Mahalaga ang CCTV footage na ito kasi makikita natin dito ang mga pangyayari bago mapaslang ang babae na namatay dito sa Calamba," pahayag ni Police Colonel Serafin Petalio, provicial director ng Laguna PPO.

Ayon pa sa nakalap ng pulisya, ang tatlong nakunan ng CCTV na mga pasahero ni Lucero ang magpapaliwanag kung sino si Althea at bakit ganoon na lamang katindi ang sinapit ng walang kalaban-labang biktima.

Base sa imbestigasyon ang mismong katabi niya sa driver's seat ang nakarami ng saksak sa biktima dahil sa mga natamo nito sa kanang bahagi ng kanyang katawan.

Panawagan ng pulisya na kusang loob nang sumuko ang mga suspek ng maayos lalo pa at malapit na nilang makuha ang mga eksaktong pangalan ng mga ito gayundin ang kanilang mga lokasyon sa tindi ng hawak nilang mga ebidensya sa ngayon.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang kaso upang mas mapagtibay pa ang isasampa sa mga gumawa ng karumaldumal na krimen na ito kay Lucero

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline bilang driver ng sarili niyang sasakyan si Lucero dahil sa nawalan ito ng trabaho buhat ng malagay sa community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Sa kasamaang palad, sa loob din mismo siya ng kanyang sasakyan natagpuan na wala nang buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel