Pambato ng Baguio, wagi sa pinakaunang virtual coronation ng Miss Philippines Earth 2020

Pambato ng Baguio, wagi sa pinakaunang virtual coronation ng Miss Philippines Earth 2020

- Si Roxanne Allison Baeyens ng Baguio City ang tinanghal na Miss Philippines Earth 2020

- Ito ang pinakaunang pageant na ginanap online na may temang "Eco-Angels"

- Nakuha rin ni Roxanne ang 'Darling of the Press' and the 'Eco-Video award'

- Bahagi na rin siya ng Cornerstone Entertainment Inc., ang management na kinabibilangan din ni Catriona Gray

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuloy ang virtual coronation para sa Miss Philippines Earth 2020 na nasungkit ni Roxanne Allison Baeyens ng Baguio City.

Nalaman ng KAMI na ito ang pinakaunang online beauty pageant na ginanap sa bansa sa kabila ng pandemya kung saan kasalukuyang naka-community quarantine pa rin ang karamihang bahagi ng bansa.

Bukod sa titulo, nakuha rin ni "Roxie" ang 'Darling of the Press' and the Eco-Video award base sa ulat ng ABS-CBN News.

Siya ang kakatawan sa Pilipinas para sa Miss Earth 2020 ngunit wala pang opisyal na pahayag kung kailan at paano ito gaganapin.

Ang 23-anyos na si Roxanne ay bahagi na rin ng Cornerstone Entertainment Inc., ang management na humahawak din kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ayon sa Rappler.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"I want to be the Miss Philippines Earth 2020 because all my life, I was a witness of my mom being an environmentalist and I wanted to continue the legacy in my family and be the change I want to see in the world," pahayag ni Roxanne na bata pa lamang ay kinakitaan na ng pagmamahal sa kalikasan.

Nakamamangha rin ang kanyang pakikipagtulungan sa iba't ibang grupo na nangangalaga sa mga hayop, mga nagbabahagi ng tulong sa mga walang makain sa Luzon at maging ang mga organisasyon nagbibigay ng HIV/AIDS awareness.

Narito ang iba pang nagwagi ng titulo mula sa naturang virtual pageant:

Miss Philippines Air: Patrixia Santos na kinataan ng Daraga, Albay

Miss Philippines Fire: Shane Tormes mula sa Atimonan, Quezon

Miss Philippines Water: Gianna Llanes ng Mandaluyong City

Miss Philippines Eco-Tourism: Illysa Mendoza mula pa sa Fil-Melbourne, Australia

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagkamit din ng special awards sina Lyka Chamberlaigneh Lagasca mula Lallo, Cagayan na ginawaran ng Eco-Angel award at Hannah Shampoo award naman ang nakuha ni Shane Tormes ng Atimonan, Quezon.

Nakamamanghang sa gitna ng banta ng COVID-19, may mga magagandang kaganapan pa ring nangyayari tulad na lamang ng patimpalak na ito na matagumpay pa ring naisagawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel