Miss PH Earth ng Laguna, di nakadalo ng cultural attire contest dahil inuna ang pagiging frontliner

Miss PH Earth ng Laguna, di nakadalo ng cultural attire contest dahil inuna ang pagiging frontliner

- Hindi nakadalo ang pambato ng Laguna na si Hannah Bithiah Meriño sa cultural attire contest ng Miss Philippines earth 2020

- Nakahanda naman na ang kanyang isusuot ngunit hindi siya umabot sa oras ng paligsahan

- Isang flight attendant ng Philippine Airlines si Hannah at nagkaroon ng pagbabago sa schedule ng flight kung saan isa siya sa mga naatasang maging frontliner sa pagsundo sa mga OFW mula Dubai

- Sa kabila ng nangyari, pinagmamalaki pa rin niya ang paglilingkod niya sa bansa kung saan mas kinakailan siya sa panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan pa rin ng marami si Hannah Bithiah Meriño, ang pambato ng Laguna para Miss Philippines Earth 2020 kahit hindi ito nakadalo ng cultural attire night noong Hunyo 24.

Nalaman ng KAMI na isang flight attendant ng Philippine Airlines si Hannah at dahil nagbago ang schedule ng kanilang flight, hindi na niya inabot ang paligsahan.

Sa kanyang post sa kanyang social media platforms, malugod pa ring tinanggap ni Hannah ang hindi niya pagdalo sa ilan pang mga aktibidad ng naturang paligsahan lalo na at ito ay dahil sa paglilingkod niya sa ating bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Even if I wasn’t able to wear my cultural costume last Wednesday, I was given the chance to wear a different costume in service to the Filipino people,” pahayag ni Hannah na nagsilbing frontliner sa pagsundo sa mga kababayan nating OFW sa Dubai.

Imbis na cultural costume ang suot, personal protective equipment o PPE ang kanyang suot sa pag-aasikaso sa mga kababayan nating uuwi ng bansa lulan ng flight ng Philippine Airlines.

Sa kabila ng nangyari, malaki pa rin ang pasasalamat niya sa Miss Philippines Earth sa pagbibigay pahintulot sa kanya na maglingkod pa rin sa bansa kung saan mas kinakailangan ang kanyang serbisyo sa panahon ng pandemya.

Samantala, nakuha nman ng kinatawan ng Baguio City na si Roxanne Allison Baeyens ang titulong Miss Philippines Earth 2020 na ginaganap online ngayong Linggo, Hulyo 4.

Nakuha rin niya ang 'Darling of the Press' award at 'Eco Video award.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel