Negosyante sa India, 'gold mask' na may halagang ₱198,000 ang gamit kontra COVID-19

Negosyante sa India, 'gold mask' na may halagang ₱198,000 ang gamit kontra COVID-19

- Agaw atensyon ang isang lalake sa India dahil sa pagsusuot niya ng 'gold mask' bilang proteksyon sa COVID-19

- Ginastusan niya umano ito ng $4,000 o may katumbas na halagang ₱198,000 na walong araw niyang pinagawa

- Mayroon daw itong maliliit na mga butas upang kahit na paano ay siya'y makahinga

- Dahil sa agaw pansin ang mask, may ilang mga nagpapakuha pa ng "selfie" kasama siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Negosyante sa India, 'gold mask' na may halagang ₱198,000 ang gamit kontra COVID-19

source: Sanket Wankade/AFP
Source: Facebook

Viral ngayon ang larawan ng isang Indian businessman na si Shankar Kurhade dahil sa pagsusot nito ng 'gold mask' bilang pangontra niya sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na pinasadya pa itong gawin ni Shankar sa Pune, India kung saan walong araw itong binuo.

Sa panayam sa kanya ng Agence France-Presse, nabanggit na ginastusan niya ito ng $4,000 o may katumbas na halagang ₱198,000.

Mayroon daw itong maliliit na butas upang kahit paano'y makakahinga pa siya kapag gamit niya ang mask.

"I am not sure if it will be effective to protect me from a coronavirus infection but I am taking other precautions," dagdag pa ni Shankar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mahilig din daw talaga siyang magsuot ng mga gintong alahas pag lumalabas at kahit siya ay namimili lamang sa supermarket.

Dahil sa agaw pansin ang kanyang golden mask, may mga nagpapakuha ng selfie sa kanya dahil sa kakaibang proteksyon niya laban sa nakamamatay na virus.

Ayon sa Rappler, nakuha raw ng negosyanteng ito ang ideya ng gold mask nang may mapanood siyang lalaki na gawa naman sa silver ang suot na mask.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang pagsusuot ng face mask sa sinasabing mainam na proteksyon sa COVID-19. Sa India kung saan 650,000 ang confirmed cases ng COVID-19, kailangang mayroon suot na mask tuwing pupunta sa publikong lugar.

Maging dito sa Pilipinas, bukod sa social distancing, isa rin ang pagsusuot ng mask sa mga safety protocol na laging pinaaalala ng Kagawaran ng Kalusugan bilang proteksyon kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel