Magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz, nagluluksa sa pagpanaw ng ama

Magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz, nagluluksa sa pagpanaw ng ama

- Ibinahagi ni Angelika dela Cruz ang isang madamdaming mensahe para sa kanyang ama

- Nasasaktan man dahil iniwan na sila nito, masaya umano ang aktres para sa kanilang ama

- Ito ay dahil magkasama na umano sila ng yumao nilang kapatid na lalaki

- Matatandaang humingi ng mga dasal para sa kanilang ama si Mika dahil naging malubha ang kalagayan ng kanilang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Angelika dela Cruz para sa kaniyang ama nitong Sabado, July 4.

Kalakip ng kanyang pamamaalam, ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanyang ama at ng kanilang pamilya.

Magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz, nagluluksa sa pagpanaw ng ama

Magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz, nagluluksa sa pagpanaw ng ama
Source: Instagram

"Daddy, you are my best friend ang kakampi ko sa lahat .. I’m heartbroken dahil iniwan moko agad .. I love you so much Dad Mabuti kang tao na maraming tinulungan.. pahinga ka na .. Rest in Peace Dad .. "

Sa kabila ng kalungkutan, masaya umano ang aktres para sa ama dahil magkasama na sila ng yumaong kapatid nilang si Edward. Matatandaang nasawi ang kanilang kapatid sampung taon na ang nakalipas dahil sa isang vehicular accident.

"Masaya ako para sayo at mag kasama na kayo ni Edward .. till we meet again .. mahal na mahal kita #daddysgirl"

Marami sa mga artista at netizens ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya nina Angelika. Ilan sa mga nakiramay ay sina Judy Ann Santos, Tanya Garcia, Gladys Reyes, Geoff Eigenmann at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angelika dela Cruz ay isang aktres na kasalukuyang nanunungkulan bilang Punong Baranggay ng Barangay Longos sa Malabon. Kapatid niya ang aktres na si Mika dela Cruz.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang humiling ng tulong si Mika upang ipagdasal ang mabilis na paggaling ng kanilang ama nitong nakaraang buwan.

Bumuhos ang dasal para sa kanilang ama matapos ibahagi ni Angelika ang isang madamdaming mensahe para sa ama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel