Jang Lucero at GF nito, kilala ang mga hinihinalang sangkot sa krimen

Jang Lucero at GF nito, kilala ang mga hinihinalang sangkot sa krimen

-Kilala ni Jang Lucero at ng kasintahan nito na si Meyah Amatorio ang mga posibleng sangkot sa karumal-dumal na pagpatay sa una ayon sa pulisya

-Sa mga nakalap na CCTV footage ng Calamba police noong gabi ng krimen, nakita ang tatlong huling pasahero ng biktima bago ito natagpuang walang buhay

-Napag-alaman na rin daw ng mga pulis ang pagkakakilalan ng tatlong ito base na rin sa mga kuha ng CCTV at mga saksi

-Ang pamilya naman ng biktima ay ipinauubaya na sa mga awtoridad ang imbestigasyon at tumanggi nang magbigay pa ng iba pang statement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa Calamba police, kilala ng dalagang pinatay sa saksak sa Laguna na si Jang Lucero at ng kasintahan nitong si Meyah Amatorio ang mga posibleng sangkot sa karumal-dumal na krimen.

"Kilalalang kilala niya [Lucero]," sabi ng hepe ng Calamba Police Station na si Police Lieutenant Colonel Gene Licud sa isang panayam sa Dobol B sa News TV.

Jang Lucero at GF nito, kilala ang mga hinihinalang sangkot sa krimen

Photo from Jang Lucero Facebook account
Source: Facebook

Sa mga nakalap na CCTV footage ng Calamba police noong gabi ng krimen, natukoy nila ang tatlong huling pasahero ng biktima bago ito natagpuang walang buhay sa Bypass Road sa Calamba, Laguna, base sa ulat ng GMA News.

Nakatulong ito at ang saksi na nagbigay na ng pahayag sa mga pulis sa kaso ni Lucero.

"Kilala na po namin sila pero nangangalap po kami ng mas matibay pang mga ebidensiya," ani Licud.

"Meron pong nakakita. 'Di na ho artist sketch. Talagang identified na sila. Hinihintay namin na magkusang loob na sila na sumuko. Alam nila 'yan sa mga sarili nila," sabi pa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa sa opisyal, ang isa sa mga ito ay hindi taga-Laguna.

"May isang hindi taga-Laguna, sa kabilang probinsiya. 'Yung iba ay taga-Bae sila," anito.

Una nang sinabi ng girlfriend ni Lucero na si Amatorio na nagpaalam ang biktima sa kanya noong Linggo ng gabi, bandang 9:40 p.m. at sinabing may ihahatid itong tatlong pasahero mula Laguna hanggang Gil Puyat sa Maynila.

Bagamat sinita umano nito ang kasintahan dahil gabi na at tatlo pa ang sinasabing pasahero nito ay wala raw siyang nagawa dahil nagmamadali na ang biktima na umalis.

Matapos ang ilang oras ay hindi na sumasagot si Lucero sa kanyang mga tawag hanggang pulis na nga ang kanilang nakausap.

Giit ni Amatorio, wala siyang alam na kaaway ng kasintahan.

"Wala akong naaalala na may nakaaway siya before o ngayon," anito.

Una nang sinabi ng pulisya na tinitignan nila ang anggulong love triangle, matinding galit at pagnanakaw. Ngunit maliban sa maliit na halaga ng pera ay wala na raw nawawala sa mga gamit nito.

Ang pamilya naman ng biktima ay ipinauubaya na sa mga awtoridad ang imbestigasyon at tumanggi nang magbigay pa ng iba pang statement.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline bilang private driver si Jang Lucero matapos mawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Ilang "persons of interest" ang lumutang sa imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay sa dalaga na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan.

Nauna nang sinabi ng pulisya na may mga ebidensiya at saksi na rin silang hawak na makakapagpatibay sa kaso.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel