Cong. Boying Remulla, sumagot sa open letter ni Governor Jonvic sa kanya

Cong. Boying Remulla, sumagot sa open letter ni Governor Jonvic sa kanya

- Tumugon si Congressman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa open letter ng kapatid na si Cavite Governor Jonvic Remulla

- Sa isang Facebook post ay inamin niya ang pagkakamali hinggil sa viral video kung saan nakuhanan siyang nagsusulat habang tumutugtog ang Pambansang awit

- Humingi na raw ng dispensa ang mambabatas, at patuloy raw siyang humihingi ng kapatawaran ukol dito

- Kalakkip din ng kanyang post ay ang matitinding banat ni Congressman Remulla laban sa ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas sa social media ang open letter ni Governor Jonvic Remulla para sa kanyang kuya na si Cavite 7th District Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla, isang tugon ang ibinahagi ng congressman.

Ani Cong. Boying Remulla, binasa niyang maigi ang sulat ng kapatid at nadarama umano niya ang pag-aalala ng kapatid niya para sa kanya.

Sa kanyang open letter, pinaalahanan ni Governor Jonvic ang kapatid.

Cong. Boying Remulla, sumagot sa open letter ni Governor Jonvic sa kanya
Cong. Boying Remulla, sumagot sa open letter ni Governor Jonvic sa kanya
Source: Facebook

Sagot ni Congressman Remulla, humingi na raw ng dispensa ang mambabatas, at patuloy raw siyang humihingi ng kapatawaran ukol dito.

Sa nasabing Facebook post, binatikos ni Congressman Remulla ang TV network.

Aniya, isang kaibigan ang nagbigay ng babala sa kanya hinggil sa diumano'y "MONSTROSITY called ABS-CBN."

“He told me that ABS-CBN is like a God, with tons of money and other resources at their disposal, to be used to crush anybody who would stand in their way, like the tragic figure called ERAP that the masses elected in 1998," ani Governor Remulla.

Binanggit din niya ang diumano'y pagbi-brainwash ng ABS-CBN sa publiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“For the past 33 years, since the passage of the 1987 Constitution, ABS-CBN has implanted into the public pysche the abuse, corruption and stupidity of Congress and government officials and workers. They have brainwashed our people that there is no honor in public service and never allowed anybody to answer back in the same forum. Or the same television programs."

Isa pa sa akusasyon ng congressman ay ang paggamit umano ng network ng trolls para siraan siya sa social media.

“And they have used social media to assasinate my character, employing millions of trolls in the process.”

Bukod sa papuri sa maayos na pamamalakad ni Governor Remulla, pinasalamatan din ni Congressman Boying ang kapatid.

“You are doing a great job as Governor. Allow me to finish what I started. And maybe, wish me well in the process.”

Sina Congressman Jesus Crispin “Boying” Remulla at Governor Jonvic Remulla ay mga anak ni dating Cavite Governor Johnny Remulla.

Si Congressman Remulla ay vice chairperson ng House committee on good government and public accountability, na katuwang ng commitee on legislative franchises na dumidinig sa franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang umani ng pambabatikos ang congressman dahil sa paraan ng kanyang pagtatanong sa imbitadong resource persons mula sa ABS-CBN at sa nag-viral na video kung saan nakita siyang nagsusulat habang tumutugtog ang Pambansang Awit.

Isa si Kim Chiu sa mga personalidad na naglabas ng saloobin hinggil dito.

POPULAR: Read more news about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate