Sapul sa CCTV! Mga huling pasahero ni Jang Lucero, natukoy na ng PNP

Sapul sa CCTV! Mga huling pasahero ni Jang Lucero, natukoy na ng PNP

-Sa pamamagitan ng ilang CCTV footage na nakalap ng Calamba police, natukoy na nila ang tatlong sinasabing huling pasahero ni Jang Lucero bago ito pinaslang

-Sa nasabing mga kuha ng CCTV, nakitang dalawang lalaki at isang babae ang mga ito na itinuturing nang mga "persons of interest" sa ngayon

-Malaking tulong din daw ang mga video na ito upang matukoy kung bakit malala ang tinamong mga sugat ng biktima

-Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasapul sa ilang CCTV footages ang mga pangyayari ilang minuto bago makita ang katawan ni Jang Lucero sa loob ng kanyang kotse sa Calamba, Laguna noong Linggo ng gabi.

Sa pamamagitan nito ay natukoy na ng mga pulisya ang sinasabing huling mga pasahero ni Lucero bago ito paslangin, ayon sa ulat ng GMA News (Reporter, John Consulta).

Nauna nang sinabi ng kasintahan ng biktima na mayroong tatlong pasahero ang nag-book dito noong Linggo ng gabi papuntang Gil Puyat sa Maynila mula sa Laguna.

Sa nasabing mga kuha ng CCTV, nakitang dalawang lalaki at isang babae ang sumakay sa kotse ni Lucero bandang 9:52 ng gabi sa tapat ng isang fastfood outlet sa Calamba.

Paglagpas ng kotse ng biktima sa intersection ay makikitang agad na sumunod ang isang asul na kotse.

Pero bago nito, sa isa pang kuha ng CCTV bandang 9:45 p.m. makikita ang pagbaba ng tatlo mula sa asul na kotse na nagmula sa Bae, Laguna. Mula rito ay naglakad ang mga ito patungo sa fastfood outlet kung saan sila sumakay sa kotse ng biktima.

Sapul sa CCTV! Mga huling pasahero ni Jang Lucero, natukoy na ng PNP

Photo from Jang Lucero Facebook account
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"May nakita po kaming CCTV footage na tumutugma doon sa sa ating theory noong una na may dalawang lalaking sumakay at isang babae. May kasunod pang isang sasakyan na isang kotse na hinihinala namin na ito ang nagbaba sa mga sumakay sa sasakyan ni Jang," ayon sa hepe ng Calamba Police Station na si Police Lieutenant Colonel Gene Licud.

"Nu'ng lumagpas na sa intersection 'yung sasakyan ni Jang, sumunod 'yung kotse," dagdag pa nito. "Tumutugma sa kotseng nagbaba sa kanilang tatlo bago sumakay."

Malaking tulong din daw ang mga video na ito upang matukoy kung bakit malala ang tinamong mga sugat ng biktima.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.

"Bibigyan ko lang ng diin: Ang mga mukha ng mga 'yan, ang kanilang pagkatao, mga pangalan, dinadagdagan pa lamang ang aming ebidensiya para masabi na sila na nga 'yan," sabi pa ni Licud.

"Ayaw lang naming pangalanan sa ngayon dahil gusto namin airtight ang isasampang complaint sa prosecutor," sabi pa ni Licud.

"Meron pong nakakita. 'Di na ho artist sketch. Talagang identified na sila. Hinihintay namin na magkusang loob na sila na sumuko. Alam nila 'yan sa mga sarili nila," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang dalagang suma-sideline bilang tagahatid ng pasahero gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Natagpuan itong tadtad ng 52 na saksak sa loob ng kanyang kotse noong Linggo ng gabi sa Bypass Road, Calamba, Laguna.

Nauna nang sinabi ng pulisya na may mga ebidensiya at saksi na rin silang hawak na makakapagpatibay sa kaso.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel