70-anyos na nasiraan ng bike papasok sa trabaho, natulungan ng nagmalasakit na motorista

70-anyos na nasiraan ng bike papasok sa trabaho, natulungan ng nagmalasakit na motorista

- Tinulungan ng vlogger na si Basel Manadil ang nadaanang matandang lalaki na tinutulak na lamang ang kanyang bike

- Napansin ito ni Basel na tila nasiraan ng bisikleta at malayo-layo na rin ang nalakad

- Ayaw pa sanang magpatulong ng lolo at baka makaabala pa raw sa vlogger

- Dahil ayaw magpahatid sa papasukan ang matanda, inabutan na lamang ito ni Basel na pampaayos nito ng kanyang bisikleta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

70-anyos na nasiraan ng bike papasok sa trabaho, natulungan ng nagmalasakit na motorista

Muli na namang umiral ang pagiging matulungin ng sikat na vlogger na si Basel Manadil na nadaanan ang isang 70-anyos na lolo na papasok sa trabaho.

Nalaman ng KAMI na nakita ni Basel ang matanda na nagtutulak ng kanyang bisikleta.

Nakasakay noon ang vlogger na mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer sa kanyang kotse at sinubaybayan kung saan ang punta ng lolo.

Nang mapansin niyang may kahabaan na ang tinatahak nito, bumaba na siya para usisain at matulungan na ang matandang tila pagod na sa pagtutulak ng bisikleta.

Doon nalaman ni Basel na papasok daw sa trabaho ang lolo na hindi na kalayuan sa pinaghintuan nila.

Inaalok na ito ni Basel na mahatid na lamang siya sa trabaho ngunit nag-alangan ito. Ayaw daw niya kasing makaabala pa.

Ngunit nagpumilit pa rin ang matulunging vlogger na nagbigay na laman ng pampaayos ng bisikleta ng lolo.

Tinanggap naman niya ito na may halong pag-aalinglangan at hiya ngunit malugod naman itong nagpasalamat kay Basel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masaya ang vlogger na muli na naman siyang nakatulong lalo na at mga ganoong klaseng tao raw ang masarap tulungan dahil alam niyang nagsusumikap sa buhay.

Tulad na lamang ng mag-asawang nangangalakal na natulungan din ni Basel. Nagkunwari pa ito na nasiraan ng kotse at tinanong ang mag-asawa kung maari siyang ihatid ng mga ito gayung may mga pinamili siya.

Hindi nagdalawang isip ang mag-asawa na tulungan si Basel. Kaya nang malaman na hindi totoo na nasiraan ito ng kotse at ang pinamili pala ng vlogger ay para talaga sa kanila, walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay sikat na vlogger sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.

Katunayan, marunong na siyang mag-tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel