Katutubong registered nurse, nagtapos naman ng medisina sa De La Salle Dasma

Katutubong registered nurse, nagtapos naman ng medisina sa De La Salle Dasma

- Nagtapos na rin ng medisina ang Lumad na si Joeffrey Mambucon na dati nang registered nurse

- Isa siya sa napagkalooban ng scholarship ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Dasmarinas, Cavite

- Aminado mang nakaranas ng pangungutya, ginawa na lamang daw niya itong inspirasyon upang makamit ang mga pangarap

- Pagkatapos ng kanyang isang taong post-graduate internship, pipiliin niyang maging isa sa mga Doctors to the barrios upang makatulong sa mga kapwa niya katutubo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang panibagong tagumpay na natamasa ng katutubong resgistered nurse na si Joeffrey Solin-ay Mambucon.

Nalaman ng KAMI na nagtapos na rin ang lumad na ito ng medisina sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Dasmarinas, Cavite na siyang nagbigay sa kanya ng scholarship kaya naman naipagpatuloy niya ang pagiging isang doktor.

Malaki ang pasasalamat niya sa naturang paaralan dahil kahit na siya ay mula pa sa kabundukan ng Sitio Opis sa San Fernando, Bukidnon ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral ng medisina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminadong minsan na siyang nakaranas ng pangungutya ng iba dahil laman katutubong lumad siya.

Ngunit imbis na panghinaan ng loob, ito pa ang ginawa niyang inspirasyon upang maabot ang kanyang mga pangarap.

"Kung ikaw man ay nakaranas ng pangungutya, at napagsabihan na wala kang mararating sa buhay dahil isa ka lang katutubo o wala kang kakayahan: huwag kang magalit. Gawin mong inspirasyon 'yun," ang iniwang mensahe ni Joeffrey para sa kabataan.

Haharapin naman niya ngayon ang isang taong post graduate internship. Pagkatapos nito, Doctors to the Barrios program ng Department of Health upang matulungang magamot ang iba pa niyang mga kapwa katutubo na nangangailangan ng medikal na atensyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel