Grupo ng riders, nagtayo ng bahay sa loob ng 8 oras para sa lolo na namumuhay mag-isa

Grupo ng riders, nagtayo ng bahay sa loob ng 8 oras para sa lolo na namumuhay mag-isa

- Hinangaan ang grupo ng mga motorcycle riders na nakapagpatayo ng bahay para sa isang matandang lalake na namumuhay mag-isa

- Dalawang taon na itong inabandona ng kanyang pamilya sa bahay na sira-sira na

- Umulan man o umaraw, patuloy na ginawa ng mga riders ang bahay ng matanda sa loob ng walong oras

- Bukod sa pagpapagawa ng bahay, binigyan din siya ng mga grocery items ng riders na nagmalasakit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Grupo ng riders, nagtayo ng bahay sa loob ng 8 oras para sa lolo na namumuhay mag-isa

Isang grupo ng mga motorcycle riders sa Northern Samar ang nagmalasakit bigyan ng maayos na masisilungan ang matandang si Tatay Venerando na namumuhay na lamang mag-isa.

Nalaman ng KAMI na nasa edad na 80 na ang matanda na inabandona ng sarili niyang pamilya, dalawang taon na ang nakararaan

Nakatira malapit sa ilog si Tatay Venerando sa Brgy. Dancalan at napansin ng grupo na lubhang mapanganib nang tirhan ang tagpi-tagping bahay ng matanda.

Kaya naman nagtulong-tulong ang grupo ng rider na nakilalang si Dennis Carolino na ayusin ang tirahan ni Tatay Venerando at siniguro nilang magiging ligtas itong tirhan ng matanda kahit na malapit pa ito sa ilog.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Walong oras ang itinagal ng pag-aayos na ito ng grupo na inabot pa ng ulan kaya bahagya pang natagalan.

Inabot pa sila ng gabi sa paggawa kaya naman tinutukan na nila ito ng ilaw ng motorsiklo ang bahay upang matapos at makapagpahinga na rin si Tatay Venerando.

Bukod sa pabahay, binigyan di ng grupo ng grocery items ang lolo kaya naman labis labis ang kasiyahang nadarama nito na mababakas sa mga larawang binahagi ng grupo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay tulong ang grupo. Katunayan, ilang araw matapos nila itong gawin, isa namang lola na mayroong tagpi-tagping tirahan ang kanilang natulungan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel