2 miyembro ng pamilya na nag-reunion sa Maynila, nasawi dahil sa COVID-19

2 miyembro ng pamilya na nag-reunion sa Maynila, nasawi dahil sa COVID-19

- Dalawang miyembro ng isang pamilya sa Sta. Cruz Maynila ang pumanaw dahil sa COVID-19

- Nagkaroon daw umano ng reunion ang isang pamilya roon kung saan siyam pang miyembro nila ang nagpositibo rin sa virus

- Dahil sa pangyayari, malalagay sa hard lockdown ang barangay na kinabibilangan ng pamilyang ito gayundin ang 30 pang barangay sa lungsod ngayong Hulyo 4 at 5

- Hindi naman daw nagkulang sa paaalala ang mga opisyal ng barangay sa pagpapaalala ng mga safety protocols laban sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasawi ang dalawang miyembro ng pamilya sa Barangay 343 sa Sta. Cruz, Maynila na pawang mga positibo sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na kumpirmadong pumanaw ang dalawa noong Hunyo 18 at 20 matapos na dumalo sa kanilang family reunion sa nasabing lugar.

Base sa ulat ni Ivan Mayrina ng 24 oras, siyam pa sa miyembro ng pamilyang ito ay pawang positibo rin sa nakamamatay na virus.

"Nagkaroon daw po sila yata ng reunion sa taas. Nag-inuman po sila, so hindi po namin alam kung pano po naging sistema po nila at buong kaanak po nila ay nagkaroon po ng positive," ayon sa isang residente.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasalukuyan nang may 13 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Barangay 343 mula sa apat ng mga kabahayan.

Dahil dito malalagay sa hard lockdown ngayong Hulyo 4 at 5 ang kanilang barangay matapos ang pangyayari kabilang na ang 30 pang mga barangay sa lungsod.

Nilinaw naman ng kapitan ng barangay na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala ng safety protocols sa kanilang lugar. Sadyang nagiging kampante lamang ang kanilang residente mula nang malagay sa general community quarantine ang Metro Manila.

"Nag-iinuman sa kalye, naninigarilyo, nagkwe-kwentuhan. Ilang beses na po kami nag papaalala sa kanila, eh. Na bawal po 'yung dikit-dikit, social distancing po," ayon kay Barangay Captain Ariel Morales Cansino.

Kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine ang National Capital Region mula July 1-15.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel