Kumpirmado: Ilang kabataan sa USA, dumadalo ng "COVID-19 party" at ang mahawa ay magkakapera

Kumpirmado: Ilang kabataan sa USA, dumadalo ng "COVID-19 party" at ang mahawa ay magkakapera

- Ikinababahala ngayon sa Estados Unidos ang pagsasagawa ng 'COVID-19 party' ng ilang kabataan partikular na sa Alabama

- Mismong ang mga pulis ang nagpaalam sa publiko ng gawaing ito ng ilang kabataan na labis na nakaalarma dahil buhay na nila ang nakataya

- Dadalo ang mayroong COVID-19 at ang sinumang unang mahahawa ay magkakamit ng "premyo"

- Umabot na sa 39,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Alabama, USA at nasa isang libo na rin ang namamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado: Ilang kabataan sa USA, dumadalo ng "COVID-19 party" at ang mahawa ay magkakapera

Kinumpirma ng mga awtoridad ng Alabama, USA ang pagsasagawa ng 'COVID-19 party' ng ilang kabataan sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na labis na nakababahala ang motibo ng party na ito dahil ang may mga kumpirmadong COVID-19 patients na dumadalo sa naturang pagtitipon.

Ayon pa sa CNN, ginanap ito sa Tuscaloosa at sadyang pinadadalo ang mga infected ng virus para manghawa.

"We thought that was kind of a rumors at first. We did some research, not only do the doctors' offices confirm it, but the state confirmed they also had the same information," pahayag ni Sonya McKinstry, city councilor ng Alabama.

Pinatotohanan din ito ng kanilang City Fire Chief na si Randy Smith kung saan natuklasan nila na ang unang mahahawa sa mga COVID-19 positive sa party at magwawagi pa ng 'premyo.'

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang malala pa rito, hindi lamang daw ito isang beses nangyari at paulit-ulit nang nagagawa nang di nila nalalaman.

“They put money in a pot and they try to get COVID. Whoever gets COVID first gets the pot. It makes no sense,” pahayag naman ni McKinstry sa ABC News.

Labis silang nababahala na ang isang pandemya na nararapat na seryosohin ay nagmistulang katuwaan at pustahan pa sa ilang kabataan sa kanilang lugar partikular na ang mga college students.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, nasa 39,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Alabama at nasa 1,000 na ang namamatay.

Nangunguna pa rin ang USA sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo na may kasalukuyang bilang na 2,854,456 base sa worldometers.

11,053,958 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel