Online seller, inspirasyon ang pumanaw na anak sa patuloy na paglago ng negosyo

Online seller, inspirasyon ang pumanaw na anak sa patuloy na paglago ng negosyo

- Binahagi ng isang online seller ang hirap na kanyang dinanas nang mawalan siya ng anak sa kasagsagan ng pandemya

- Bagaman at naipanganak naman niya ito, sa kasamaang palad ay hindi na ito humihinga

- Aminadong gumuho ang kanyang mundo lalo na at excited na siya sa kanyang baby na pinangalanan pa rin niyang si "Isla"

- Masakit man ang nangyari, ito na lamang ang pinaghugutan niya ng lakas upang siya ay muling makabangon at tinutukan na lamang niya ang kanyang online business

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na ibinahagi ng isang online seller na si Kelsey Ortiz ang kanyang nakakadurog ng pusong na karanasan kung saan namatayan siya ng bagong silang na sanggol sa kasagsagan ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na Marso ngayong taon nang isilang niya si baby "Isla" ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito humihinga.

Aminadong masakit ang pangyayaring ito lalo na at pinaghandaan na niya ang pagdating ng kanyang anak.

Halos gumuho talaga ang kanyang mundo sa pangyayaring ito lalo pa at malayo sa kanya ang kanyang partner na nasa Canada.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit muling bumangon si Kelzey at pinagtuunan na lamang muli ng atensyon ang kanyang negosyo.

At dahil panahon ng pandemya kung saan matindi ang pangangailangan ng mga medical supplies, ito ang naisip niyang negosyo.

Upang maibsan ang kalungkutan, hinataw niya ang kanyang business. Kaya naman ang kapital niyang ₱3,000 ay agad niyang napalago at naging ₱500,000.

Maging ang kanyang kapitbahay na nawalan ng hanapbuhay ay kinuha bilang delivery rider.

Dahil dito, may natulungan pa siyang iba na nangangailangan din ng pagkakakitaan upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Proud na proud sa kanya ang kanyang partner na si Alvin dahil sa muling pagbangon ni Kelzey sa kabila ng mapait na pangyayari sa pagkawala ng kanila sanang first baby.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng panayam ni Saleema Refran ng 24 Oras kay Kelzey:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel