Sekyu na nang-hostage sa isang doktor ng EAMC, nagpositibo sa COVID-19

Sekyu na nang-hostage sa isang doktor ng EAMC, nagpositibo sa COVID-19

- Nagpositibo sa COVID-19 ang security guard na nang-hostage sa isang doktor sa East Avenue Medical Center

- Nakaramdam umano ng pananakit ng dibdib ang suspek dahilan para madala siya sa ospital

- Sa Quirino Memorial Medical Center nakumpirmang positibo nga ito sa COVID-19

- Kasalukuyan na ring naka-quarantine ang pulis na rumesponde sa hostage drama noong Miyerkules at gagawan din umano ng test matapos nitong mag-quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Positibo ang resulta ng isinagawang COVID-19 test sa security guard na si Hilarion Achondo na nang-hostage sa isang doktor sa East Avenue Medical Center nitong Miyerkules, Hulyo 1.

Nalaman ng KAMI na nagawa umanong tutukan ng heringga (syringe) ang doktor ng noo'y sugatang sekyu dahil sa aksidente sa motor.

Hindi na tumagal sa 10 minuto ang eksenang ito dahil nagkataong may mga pulis na may iniimbestigahan sa lugar.

Sa ulat ng Dobol B sa News TV report ni Allan Gatus, napag-alamang nakaramdam umano ng pananakit ng dibdib si Achondo na siyang dahilan upang madala siya sa Quirino Medical Center.

Doon nakumpirmang mayroon nga siyang COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasalukuyan nang naka-quarantine ang mga pulis na rumesponde sa insidente at matapos ang ilang araw, gagawan na rin ito ng COVID-19 test.

Samantala, nilinaw naman ni East Avenue Medical Center emergency room head Dr. Willie Saludares na hindi na kinakailangan pang ma-quarantine ang mga nakasalamuha ni Achondo sa ospital kung saan naganap ang hostage taking dahil pawang mga naka-PPE naman o personal protective equipment.

'"Yun naman pong pinagdalhan sa pasyente ay 'yun naman po 'yung aming COVID emergency room so lahat po ng suspect doon po dinadala kaya ang mga tauhan po namin doon ay naka-complete na PPE," pahayag ng doktor.

Ayon sa Philippine Star, hindi naman naging malinaw kung ano ang motibo ng sekyu sa kanyang ginawang pangho-hostage.

Gayunpaman, mahaharap ito sa kasong grave coercion, grave threat at alarm and scandal.

Ligtas ang doktor na naging biktima ng 51-anyos na security guard.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maalalang hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong security guard na lakas loob na nang-hostage sa kasagsagan ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaang noong Marso, isang sekyu ang siyam na oras na hinostage ang mga empleyado ng Virra Mall sa Greenhills, San Juan.

Bagaman at armado, wala namang nasaktan sa nasa 30 katao na kanyang pinalaya kalaunan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel