Tatay, ginawang bahay ang kariton kasama ang anak matapos mawalan ng tirahan at trabaho
- Naging viral sa social media ang mag-tatay na naninirahan na lang sa kariton ngayon
- Dahil sa krisis, nawalan ng trabaho ang tatay sa isang construction company at nawalan na rin ito ng tirahan
- Kaya naman, naisip niyang gumawa na lang ng maliit na bahay gamit ang kariton para sa kanila ng anak niya
- Maging ang mga netizens ay nalungkot sa kwentong buhay ng tatay na hindi pinabayaan ang anak niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tampok sa social media ngayon ang isang tatay dahil sa kanyang matinding pinagdadaanan ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.
Nalaman ng KAMI na dahil sa krisis, nawalan ng trabaho at tirahan si Rodel Mojica, 46 anyos.
Ayon sa Facebook post ng Inquirer, kasama ni Rodel ang 4 na anyos niyang anak na si Ruben at ilang buwan na silang sa kariton na lang naninirahan.
Nawalan sila ng matitirahan matapos mawalan ng trabaho ni Rodel bilang isang laborer sa isang construction company.
Si Rodel ay mula pa sa Guinobatan, Albay. Ginawa niya ang kanilang munting tirahan mula sa tira-tirang plywood at lumang gulong. Kasalukuyan naman silang nakaparada sa may Pasig River, bandang Guadalupe, Makati City.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maging ang mga netizens ay nalungkot sa kinahinatnan ni Rodel at ng anak niya. Narito ang komento nila sa Facebook post ng Inquirer:
“This is so heartbreaking! Kababayan ko pa sila from Albay. I will try to look for them today and give them something to eat.”
“We will never know his son might become a well respected teacher,doctor or engineer in the future hang on lang po sir and keep the faith”
“Pru sir nkakabilib ka.. madiskarte and fighting! May God Bless u sir!”
“resourceful ni kuya, may God bless you at all aspects in life”
“Kawawa naman saan sya magpark nang kariton nya baka makita nang MMDA. Gigibain yan. Sana matulungan cla.”
Samantala, may nag-viral na mag-iina na sa bangketa na lang muna namalagi matapos silang palayasin sa tinitirhan nila ngayong may krisis sa bansa.
Isang buntis din ang pinalayas ng landlady nito sa apartment na tinitirhan niya dahil hindi ito makapagbayad ng renta. Tinaggal pa ng may-ari ang bubong ng buntis at naulanan ito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh