PWD, nag-pedicab kasama ang live-in partner para makauwi ng Sorsogon mula sa Caloocan

PWD, nag-pedicab kasama ang live-in partner para makauwi ng Sorsogon mula sa Caloocan

- Naging viral sa social media ang isang lalaking PWD dahil sa paghihirap nitong makauwi ng probinsya

- Mula Caloocan City ay nagpasya ang lalaki na ipadyak ang kanyang pedicab kasama ang kanyang live-in partner para makauwi sila ng Sorsogon

- Dahil tigil ang pasada ng pedicab sa Caloocan, minabuti na lang nilang umuwi ng probinsya upang maghanap buhay

- Malaki naman ang pasasalamat ng lalaki sa mga taong tumulong sa kanila para makarating ng ligtas sa Sorsogon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaking PWD or person with disability ang pumukaw sa damdamin ng mga netizens ngayon.

Nalaman ng KAMI na desidido ang lalaki na ipadyak ang kanyang pedicab mula sa Caloocan pauwi ng Sorsogon.

PWD, nag-pedicab kasama ang live-in partner para makauwi ng Sorsogon mula sa Caloocan

Screenshot from GMA News Online
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng GMA News Online, kasama ng pedicab driver na si Rommel Balbona ang kanyang live-in partner na si Gina Cabalse nang umuwi sa Sorsogon.

Dahil sa krisis ng COVID-19 at tigil pasada ng pedicab ngayon, matinding kahirapan ang pinagdaanan ng magkasintahan. Kaya naman, nagpasya na lang silang umuwi ng probinsya at doon na lang maghanapbuhay.

Kahit pa deperensya sa paglalakad at paningin si Rommel, hindi ito naging hadlang para sa kanya. Ngayong tigil pasada siya at limitado pa rin ang transportasyon, naisip nilang gamitin na lang ang pedicab nila na may nakasulat na: “Manila to Bicol, Sorsogon by PWD Pedicab.”

Lunes ng madaling araw nagsimulang pumadyak si Rommel sa Caloocan City hanggang sa Muntinlupa City. May nakapansin naman sa kanilang rider na tinulungan sila at binigyan ng pagkain.

Nagpatuloy naman siya sa pagpapadyak hanggang sa makarating na sila sa Santo Tomas, Batangas nitong Miyerkules. Isang grupo naman ng mga motorsiklo ang nakapansin sa kanila at tinulungan sila. Naglagay sila ng lubid sa pedicab upang mahila ito ng motorsiklo hanggang sa makarating sila sa San Pablo City, Laguna.

Isang grupo naman ang nagboluntary na ihatid silang dalawa sa Sorsogon gamit ang isang van para masakay na rin ang kanilang pedicab. May binigay din na pagkain at pera ang grupo na ito para sa magkasintahan.

Matapos ang apat na araw, nakarating na sa Sorsogon si Rommel at Gina. Malaki naman ang pasasalamat ng pedicab driver sa mga taong tumulong sa kanila upang makauwi ng probinsya.

Dahil galing sila sa Metro Manila, kinailangan nilang sumailalim sa swab test. Hanggang ngayon ay hinihintay pa ang resulta nito at nasa quarantine facility pa sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nitong Hunyo 30 ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa general community quarantine pa rin ang National Capital Region. Kaya naman, limitado pa rin ang transportasyon dito.

Samantala, inanunsyo naman ng isang malaking kompanya na Pfizer na nagpakita ng magandang resulta ang COVID-19 vaccine na ginagawa nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel