Sabak agad! Wendell Ramos, isa sa mga rumesponde sa nasunog na pabrika

Sabak agad! Wendell Ramos, isa sa mga rumesponde sa nasunog na pabrika

- Matapos maging isang ganap na bumbero ng Kapuso actor na si Wendell Ramos ay agad na siyang sumabak sa serbisyo

- Napabalita na si Wendell ay isa sa mga rumesponde nang masunog ang isang pabrika sa Valenzuela City

- Nagbahagi rin si Wendell ng mga litrato sa social media kung saan makikitang umaaksyon talaga siya para labanan ang sunog

- Samantala, maging ang mga netizens ay napabilib sa serbisyo ng aktor para sa mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan nga ay binahagi ng Kapuso actor na si Wendell Ramos na siya ay isa nang ganap na bumbero ngayon.

Nalaman ng KAMI na matapos niyang maging certified na bumbero ay agad namang nasubukan ang kanyang galing.

Ayon sa Facebook post ng Super Radyo dzBB, isa si Wendell sa mga rumesponde nang masunog ang isang pabrika ng panel board sa Brgy. Lawang Bato sa lungsod ng Valenzuela.

Samantala, nagbahagi rin ng mga litrato si Wendell sa kanyang Instagram stories. Sa isa nga niyang IG story, may nakalagay na “#FIRSTDAYDUTY” at “#laban”.

Narito ang mga screenshot ng IG stories niya:

Sabak agad! Wendell Ramos, isa sa mga rumesponde sa nasunog na pabrika

Photo from @wendellramosofficial on Instagram
Source: Instagram

Sabak agad! Wendell Ramos, isa sa mga rumesponde sa nasunog na pabrika

Photo from @wendellramosofficial on Instagram
Source: Instagram

Sabak agad! Wendell Ramos, isa sa mga rumesponde sa nasunog na pabrika

Photo from @wendellramosofficial on Instagram
Source: Instagram

Natuwa rin naman ang mga netizens sa naging serbisyo ni Wendell sa mga Pinoy, lalo na sa mga nasunugan. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook post ng Super Radyo dzBB:

“Galing! ingat God bless”
“God bless wendel.. lagi kang mag ingat.. kw nlang cguro tiningnan kanina nag response ks sa sunog...”
“At least may work outside of showbiz. Practical sya kesa nga naman puro reklamo”
“Wow my idol ...ingat ka ..”
“napaka pogi namang bumbero nyan.keep safe idol”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Wendell Ramos ay isang kilalang actor sa GMA Network. Mas nakilala siya sa pagiging cast member ng comedy show na Bubble Gang noon.

Bukod sa pagiging aktor, isa na rin siyang ganap na bumbero ngayon. Sumailalim siya sa training ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP).

Isa ring ama si Wendell sa tatlong anak nila ng kanyang asawa na si Kukai Guevara-Ramos. Napahanga naman ang mga netizens sa pagiging artistahin ng anak nila.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel