GF, damit lang ang ititira kay ex-BF nang mabuking ang panloloko nito

GF, damit lang ang ititira kay ex-BF nang mabuking ang panloloko nito

- Sa programa na ni Raffy Tulfo nauwi ang bawian ng kotse at ilang kagamitan ng mag-nobyong George at April Rose

- Ayon kasi sa babae, niloko siya ng dating nobyo matapos nitong magdala ng mga babae sa kanilang condominium unit

- Ginagamit pa umano nito ang kotse na siya ang nagbabayad sa panloloko nito sa kanya

- Bukod dito, hindi na rin umano nagbibigay ng sustento ang lalaki sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaiyak na lamang ang babaeng si April Rose Geopano nang idulog ang kanyang reklamo laban sa dating kinakasama na si George Supangan sa programa ni Raffy Tulfo.

Ayon sa 26-anyos na si April Rose, nais niyang mabawi mula sa kanyang ex ang kotse na nakapangalan sa kanya at maging ang ilang kagamitan tulad ng refrigerator at TV.

GF, damit lang ang ititira kay ex-BF nang mabuking ang panloloko nito

Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nakipaghiwalay na kasi ito sa 40-anyos na si George matapos mabuking na niloloko siya nito.

Nalaman daw kasi niya na nagdadala ng mga babae ang lalaki sa kanilang condominium unit. Mayroon daw siyang ebidensiya na kuha ng CCTV.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ginagamit din daw nito ang sasakyan na siya ang nagbabayad sa panloloko nito sa kanya.

Bukod dito, hindi rin umano nagbibigay ng sustento ang lalaki sa kanilang anak.

Depensa naman ng lalaki, ibabalik naman daw niya ang kotse ngunit nagkataon lamang na naipit siya sa sitwasyon.

Itinanggi rin nito na siya ay batugan at walang ambag sa kanilang pagsasama tulad ng ibinibintang ni April Rose sa kanya.

Inireklamo rin nito ang pagpo-post umano ng babae sa Facebook laban sa kanya.

Sa huli, nagkasundo na lamang ang dalawa na ibabalik ng lalaki ang mga binabawi ng dating nobya sa kanya sa tulong na rin ng mga pulis sa Cebu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang reklamo sa RTIA isa namang misis ang inireklamo ng kanyang mister na OFW kay idol Raffy matapos mabuntis ni kumpare! Pero ang mga netizens, kumampi pa kay misis!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang Filipino broadcast journalist na kinikilala ng marami dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programa.

Kapatid nito sina Ramon, Ben at Erwin Tulfo na kilala rin sa larangan ng broadcasting.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel