Mga saksi at ilang ebidensya kaugnay sa kaso ni Jang Lucero, lumutang

Mga saksi at ilang ebidensya kaugnay sa kaso ni Jang Lucero, lumutang

- Ilang saksi na ang lumutang para magbigay ng pahayag kaugnay sa pagpaslang sa babaeng tinadtad ng saksak sa Calamba, Laguna

- Bukod dito, ilan pang ebidensya ang nakalap ng pulisya malapit sa crime scene

- Ibinahagi rin ng PNP ang huling conversation sa social media ng biktima sa mga itinuturong huling pasahero nito noong gabi ng krimen

- Lumalabas din na mayroong nang mahigit apat na "persons of interest" sa karumal-dumal na pagpatay sa 34-anyos na dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang malagim na sinapit ng 34-anyos na dalaga na si Jang Lucero, ang babaeng natagpuang tadtad ng saksak sa kanyang kotse sa Calamba, Laguna.

Ayon sa Calamba police, mayroon nang lumutang na mga saksi na makakatulong sa kanilang imbestigasyon.

"Ang sinasabi nila ay nakita raw nila ‘yong sasakyan so pinapatunayan nila ‘yong theory namin na tatlo o higit pa ‘yong gumawa noon," ayon kay Calamba City police chief Lieutenant Colonel Gene Licud sa panayam dito ng GMA News (Reporter, Darlene Cay).

Mga saksi at ilang ebidensya kaugnay sa kaso ni Jang Lucero, lumutang

Photo from Facebook
Source: Facebook

Dagdag pa ni Licud, posibleng kilala ng biktima ang suspek o mga suspek.

"May mga common friends sila and it appears na ito kakilala, kung hindi man ito kakilalang eksakto, mayroong mga kilala doon sa biktima na siya naman ang nag-utos dito doon sa mga sumakay," anito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod dito, ilan pang ebidensya ang nakalap ng pulisya malapit sa crime scene. Kabilang na rito ang dalawang cellphone, ang isa rito ay tinanggalan ng baterya.

"Dahil nga ito’y plinano, ito ay pupuwedeng sinadyang iwan para lansingin ang mga imbestigador natin kapag nasimulan na ang imbestigasyon," ayon kay Licud.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may kaugnayan ito sa kaso ni Lucero.

Ibinahagi rin sa ulat ni Cay ang conversation ng biktima at ng itinututong huling pasahero nito noong gabi ng krimen.

Ayon dito, apat ang sasakay sa sasakyan ni Lucero papuntang Gil Puyat. Bandang 10:17 ng gabi ang huling mensahe ng mga ito ngunit hindi na sumagot pa si Lucero.

Deactivated na ang nasabing account sa Facebook. Naniniwala ang pulisya na posibleng "dummy account" lamang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang dalagang suma-sideline bilang tagahatid ng pasahero gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Natagpuan itong tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kotse noong Linggo ng gabi sa Bypass Road, Calamba, Laguna.

Ilang "persons of interest" na ang tinututukan ng pulisya kaugnay sa karumal-dumal na krimen.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel