Lalaki, pumanaw 1 araw pagkatapos ikasal sa kanyang minamahal

Lalaki, pumanaw 1 araw pagkatapos ikasal sa kanyang minamahal

- Sa tulong ng pamilya, ikinasal ang mag-nobyong Christopher at Chris Love na matagal na raw nilang pinapangarap

- Pero isang araw matapos ang seremonya ay pumanaw din si Christopher dahil sa malubhang sakit

- Labis na pangungulila at hinagpis ang nararamdaman ngayon ni Chris Love pero patuloy na nagpapakatatag para sa kanilang mga anak

- Bumuhos naman ang lungkot at pakikiramay sa social media mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng marami dulot ng COVID-19, isang pangarap ang natupad sa mga panahong ito sa pagitan ng mag-asawang Christopher at Chris Love Concepcion.

Sa tulong kasi ng kanilang pamilya ay nabigyang-katuparan ang kanilang minimithing kasal sa isang simbahan sa Bulacan.

Naitampok ang istorya ng dalawa sa isang report ng News5 na umantig sa maraming puso.

Isang araw kasi matapos ang kasal ng dalawa ay pumanaw si Christopher dahil sa malubhang sakit sa tiyan.

Lalaki, pumanaw 1 araw pagkatapos ikasal sa kanyang minamahal

Photo from Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay Chris Love, dulot daw ito ng operasyon kay Christopher noon sa appendix na naging sanhi ng pagkabulok ng kanyang bituka.

Pero sa kabila nito, naging matatag daw ang mister kahit pa nga labis na naapektuhan ang kalusugan nito na ikinasawi nga nito kinalaunan.

Kwento pa ni Chris Love, napakasaya raw ng mister noong araw ng kanilang kasal at hindi man lang nagpakita ng panghihina.

Mamimiss daw niya ang pagiging malambing ng asawa at maging ang kanyang pag-aalaga.

Pero nananatiling matatag si Chris Love para na rin sa kanilang dalawang anak na walang kaalam-alam sa totoong sitwasyon nila.

Bumuhos naman ang lungkot at pakikiramay sa social media mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel