3 nurse sa QC, nailigtas ng NBI matapos na di palabasin ng admin ng tinutuluyang condo

3 nurse sa QC, nailigtas ng NBI matapos na di palabasin ng admin ng tinutuluyang condo

- Tatlong nurse ang naisalba ng NBI matapos na makulong sa tinutuluyang condominium

- Hindi raw umano sila pinahihintulutang lumabas ng admin ng gusaling tinitirhan at nakatanggap pa umano sila ng banta na kapag umalis, hindi na sila makababalik pa

- Masama ang loob ng mga nurses dahil trinato umano silang parang mga kriminal

- Hinihingan sila ng clearance mula sa barangay ngunit matapos na makapagbigay bilang patunay na COVID-19 free sila, hindi pa rin sila pinalalabas

- Nahaharap sa kaukulang kaso ang tagapangasiwa ng condominium lalo na at malinaw na nilabag nila ang ordinansa ng Quezon City laban sa diskriminasyon sa mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

3 nurse sa QC, nailigtas ng NBI matapos na di palabasin ng admin ng tinutuluyang condo

Victoria Towers QC
Source: Facebook

"Hindi makatao ang ginawa nila sa amin, tinrato kaming parang kriminal," pahayag ng isa sa tatlong nurse na naisalba ng NBI Special Action Unit sa Victoria Towers sa Lungsod ng Quezon.

Nalaman ng KAMI na hindi raw umano pinahihintulutan ng administrasyon ng gusali na lumabas ang tatlong medical frontliners.

Kahit na sila ay nakapagbigay na ng barangay clearance na nagsasabing negatibo sila sa COVID-19, hindi sila pinapayagang makalabas ng kanilang unit.

Maging ang barangay chairman ng kanilang lugar sa QC ay namagitan na sa kalagayan ng mga nurse, ngunit hindi pa rin nabago ang desisyon ng admin ng condo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base sa ulat ng Niko Baua ng ABS-CBN News, aminado ang tatlo na nakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19. Paliwanag niya, lampas naman na sila sa isolation period at nagnegatibo na rin sila sa isinagawang swab test sa kanila.

Ayon sa NBI, malinaw na nilabag ng Victoria Towers ang ordinansa ng Quezon City laban sa diskriminasyon sa mga frontliners.

Dagdag pa ni Kristine dela Cruz, executive officer ng NBI Special Action Unit, nakatanggap pa umano ng pagbabanta ang tatlong frontliners na kung tangkain ng mga ito na lumabas sa condo ay di na muli itong pahihintulutan pang bumalik.

Dahil sa nangyari sasampahan ng kaso ang legal officer ng condo ng illegal detention. Kasalukuyan naman nang nakakulong ang kanilang property management officer habang nakatakas at pinaghahanap ang security officer ng condo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang makailang ulit na nagsabing mananagot ang sinuman na manghahamak at magpapakita o magpaparamdam ng diskriminasyon sa mga medical frontliners.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel