Nanay, labis ang pagluluksa nang nabaril ang asawa at anak sa loob ng bahay nila

Nanay, labis ang pagluluksa nang nabaril ang asawa at anak sa loob ng bahay nila

- Naging viral sa social media ang kwento ng isang reporter ukol sa isang insidente

- Aniya, may dalawang lalaking nanloob sa isang bahay sa North Caloocan

- Hinahanap nito ang manugang ng isang ina, subalit wala ito sa bahay

- Kaya naman, ang binaril na lang ng dalawang suspek ay ang asawa at anak ng nanay

- Labis naman ang pagluluksa ng ina ngayong hirap din sila sa buhay at walang pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang ina, ikinuwento kung paano binawian ng buhay ang kanyang asawa at anak sa loob mismo ng bahay nila sa North Caloocan.

Nalaman ng KAMI na dalawang lalaki ang nanloob sa kanilang bahay at tinutukan sila ng baril.

Nanay, labis ang pagluluksa nang barilin ang asawa at anak sa loob ng bahay nila

Ayon sa Facebook post ng reporter na si Jervis Manahan, ang hinahanap ng dalawang hindi kilalang lalaki ay ang manugang ng nanay. Subalit, wala naman daw ito sa bahay.

Noong sabihin ng ina na wala ang manugang niya ay binaril ng dalawang lalaki ang 65 anyos na asawa at 25 anyos na anak niya.

Aminado naman ang ina na sangkot sa ilegal na droga ang manugang niya. Pero, itinanggi niyang kasabwat ang anak at asawa niya rito.

“Trabahador sa pier yung asawa ko. Yung anak ko, gumagawa nga lang ng saranggola diyan. Nag-aayos lang siya ng speaker nung binaril siya. Masakit, sobrang sakit po,” sabi ni Nanay Ligaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, kahit na nangyari ang trahedyang ito, ang pinakainaalala ni Nanay Ligaya ay ang gastusin dahil wala silang pera ngayong may krisis sa bansa.

"Itanong mo kung saan dadalhin yung mga bangkay. Baka dalhin sa mahal na punerarya. ‘Di natin mababayaran,” aniya.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang mga suspek.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel