Mga Pinoy na stranded sa barko sa Sri Lanka, humihingi ng saklolo para makauwi

Mga Pinoy na stranded sa barko sa Sri Lanka, humihingi ng saklolo para makauwi

- Dalawang Pinoy na na-stranded sa barko ang humihingi ng saklolo para makauwi na sa Pinas

- Apat na kasamahan na raw nila sa barko ang pumanaw sa hindi malaman na sakit

- Pare-parehas daw ang naging sintomas ng mga ito bago sila pumanaw at ang isa nga rito ay Pinoy

- Nananawagan din sila dahil wala na raw silang malinis na tubig na pwedeng inumin at wala ring mga face masks bilang proteksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang Pinoy na mangingisda ang na-stranded ngayon sa kanilang fishing vessel na nasa Sri Langka.

Nalaman ng KAMI na humihingi naman ng saklolo ngayon ang mga Pinoy upang makauwi ng Pilipinas.

Mga Pinoy na stranded sa barko sa Sri Lanka, humihingi ng saklolo para makauwi

Screenshot from ABS-CBN News
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, apat na kasamahan na nila sa barko ang pumanaw na. Pero, ang sabi nila, wala raw ginagawa ang kapitan nila ukol dito.

Pare-parehas daw ng sintomas ang pinakita ng mga kasamahan nila bago pumanaw. Sa una ay mamamaga ang kanilang paa at hindi magtatagal ay mahihirapan na rin ang mga ito huminga at babawian ng buhay.

"Patulungan naman po kami dito para ma-rescue itong kasama namin. Iyan ho sya, kawawa naman, pang ilang tao na po 'yan, walang ginagawa 'yung kapitan, patulong naman po," sabi ni Robert Maguidad.

Kwento niya, ang Indonesian ang huling pumanaw sa kanilang fishing vessel na Han Rong 368. Isa umano sa mga binawian ng buhay ay Pinoy.

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw kung may kinalaman sa COVID-19 ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga kasamahan nila.

"Hindi na po namin alam kung anong klaseng sakit 'yun. Nag-aantay pa po kami ng rescue sa ngayon. Sana po matulungan nyo na kami bago pa po lumala ang lahat at magkahawaan dito," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, pumanaw na ang isang OFW na nag-viral matapos niyang manawagan ng tulong.

Sabi ng International Transport Workers Federation, nasa 200,000 seafarers sa buong mundo ang stranded ngayon sa mga barkong sinasakyan nila dahil sa mga COVID-19 travel restriction.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel