59-anyos na namangka ng 4 na araw mula Cebu, naharang sa Negros Occidental

59-anyos na namangka ng 4 na araw mula Cebu, naharang sa Negros Occidental

- Isang 59-anyos na lalaki ang lakas loob na namangka mula Cebu makauwi lamang ng Bohol

- Apat na araw na raw itong namamangka nang mamataan ito ng Philippine coast guard sa Negros Occidental noong Biyernes ng gabi

- Hindi pa raw de motor ang gamit nitong bangka kaya naman sadyang kaawa-awa rin naman ang dinanas ng lalaki, makauwi lamang sa kanyang pamilya

- Kasalukuyan muna itog inilagak sa Calavatra evacuation center para 14-day quarantine nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

59-anyos na namangka ng 4 na araw mula Cebu, naharang sa Negros Occidental

Photo source: PCG-Negros Occidental
Source: Facebook

Lakas loob na namangka ang isang 59-anyos na lalaki mula Argao, Cebu at balak nitong makauwi sa kanyang pamilya sa Bohol.

Nalaman ng KAMI na mismong ang Philippine Coast Guard (PCG) ng bayan ng Calavatra sa Negros Occidental ang mismong nakakita sa lalaki.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nakadaong ang bangka nito sa Barangay Lemery na siyang napansin ng PCG.

Nang tanungin nila ang lalaki, apat na araw na pala itong namamangka at nakamamanghang wala pang motor ang gamit nito kaya sadyang kaawa-awa at nakakapagod ang sinapit nito makauwi lamang sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit bilang pag-iingat, inilagak parin ang lalaki sa Calavatra evacuation center para sa 14-day quarantine nito upang masiguro hindi COVID-19 carrier ang lalaki bago pa ito makarating muli sa iba pang lugar.

Dagdag pa ng PCG, hindi ito ang unang beses na may dumaong sa kanilang lugar mula Cebu.

Tinangka pa umanong tumakas ng apat na lulan noon ng bangka ngunit nang makabalik sa Cebu at nasakote rin ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa huling ulat ng Department of Health, isa ang Cebu sa may pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19. Dahil dito, kasalukuyan pa rin sila naka-enhanced community quarantine.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel