May-ari ng resto, binigyan ng bonggang regalo ang loyal at masipag niyang empleyado

May-ari ng resto, binigyan ng bonggang regalo ang loyal at masipag niyang empleyado

- Viral ang post ng vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer kung saan isa na namang empleyado niya ang nakatanggap ng supresa

- Dahil sa pagsusumikap nito at determinasyon sa trabaho, minabuti ng may-ari ng resto na YOLO na gantimpalaan ang kanyang empleyado

- Matagal na rin niyang kilala ito lalo na at naging kaklase pa niya ito noong kolehiyo

- Halos hindi makapaniwala ang empleyado sa natanggap na regalo dahil alam niyang sobrang mahal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang maswerteng empleyado ni Basel manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ang nabigyan nito ng mamahaling regalo.

Nalaman ng KAMI na ito ay bilang gantimpala kay Ica na isa sa mga staff ni Basel sa restaurant nito na YOLO na nakatagal sa trabaho sa loob ng isang taon.

Matagal na ring kilala ni Basel si Ica na kanya pa lang kaklase noong sila ay college pa lamang.

Unang trabaho raw nito ang sa YOLO ngunit kinakitaan na niya ito ng determinasyon at pagpupursige sa trabaho.

At kahit may pagkamahiyain ito, maayos pa rin niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin sa restaurant ni Basel.

Dahil dito, hindi nagdalawang isip ang boss na regaluhan ng Macbook Air laptop si Ica na labis niyang ikinagulat.

Hindi makapaniwala si Ica dahil alam niyang mamahalin ang ganitong klase ng laptop na halos hindi pa nga niya alam kung paano gamitin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bakas sa mukha ng empleyado ang kasiyahan at labis ang pasasalamat niya sa amo na kanya ring kaibigan.

Isa lamang ito sa ilan nang nabigyan ng gantimpala ni Basel sa pagiging isang mabuting empleyado.

Maaalalang sa naunang ulat ng KAMI, ang kanyang kanang-kamay at naging assistant na dating construction worker ay nabigyan niya rin ng malaking halaga sa pagiging mabuti nito sa kanya.

Si Basel Manadil ay isang vlogger na kilala sa pagtulong ng kapwa. Bagaman at iba ang kanyang lahi, mayroon siyang pusong Pinoy at mahal niya ang bansang Pilipinas na itinuturing niyang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel