Pinoy sa USA, namatayan ng ama dahil sa COVID-19 at nahawa pa ang 28 na kapamilya

Pinoy sa USA, namatayan ng ama dahil sa COVID-19 at nahawa pa ang 28 na kapamilya

- Isinalaysay ng isang Pinoy sa California, USA ang pagkamatay ng kanyang ama dahil sa COVID-19

- Mahigit isang linggo lamang daw itong nakipaglaban sa virus at tuluyang pumanaw isang araw bago ang Father's Day

- Dumalaw sa tatlong tahanan ng kapamilya ang kanyang ama na noo'y walang kaalam-alam na mayroon na pala siyang COVID-19

- Ito ang nakikita nilang dahilan ng di inaasahang pagkalat ng virus sa kanilang pamilya na kinabibilangan pa ng buntis at ilang mga bata

- Magsilbing aral umano ang sinapit ng kanyang ama sa iba pang mga pamilya at nararapat na patuloy pa ring mag-ingat dahil nananatiling mapanganib ang mundo sa patuloy na paglaganap ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinoy sa USA, namatayan ng ama dahil sa COVID-19 at nahawa pa ang 28 na kapamilya

Buong tapang na binahagi ng Pinoy sa California, USA na si Richard Garay kung paano kinakaya ng kanilang pamilya ang pagkawala ng kanyang ama at pagkakaroon ng COVID-19 ng 28 pang miyembro ng kanilang extended family.

Nalaman ng KAMI na maging ang 27-anyos na si Richard ay nagpositibo rin sa COVID-19. Kasabay niyang nagkaroon ang ama noong Hunyo 4.

Sa kasamaang palad, sa halos mahigit na isang linggong pakikipaglaban sa virus, pumanaw na rin ang kanyang ama.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang kalbaryo ng kanilang pamilya dahil sa virus. Napag-alaman nilang 28 pang miyembro ng kanilang extended familya ang tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa ulat ni Kay Jones ng CNN kabilang sa mga kapamilya ni Richard na nagpositibo sa virus ay ang buntis niyang sister-in-law, 2 taong gulang na bata at dalawa pang bata sa pamilya pati rin ang kanyang dalawang kapatid.

Lakas loob na binahagi ito ni Richard upang magsilbing aral sa bawat miyembro ng pamilya na huwag magpaka-kampante dahil patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi raw sila nagkaroon ng party tulad na lamang ng naunang ulat ng KAMI kung saan 18 na miyembro ng isang pamilya ang nagkaroon ng COVID-19 dahil sa isang surpresang pagtitipon sa isa nilang kaanak.

Isa sa posible at nakikita nilang dahilan ay nang magawa pang bumisita sa tatlong bahay ng kanilang kamag-anak ang ama ngunit maituturing na "minimal contact" daw ito. Hindi pa alam ng kanyang ama noon na positibo na pala ito sa virus.

Ito araw ang dahilan kung bakit mas lalong dapat mag-ingat dahil sa kaunting oras na pakikisalamuha sa taong may COVID-19 ay maaring makahawa at makapagpasa pa nito sa marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuang panayam kay Richard ng CBS Los Angeles

Base sa huling tala ng worldometers, umabot na sa 2,681,811 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa USA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel